Friday , November 15 2024

P16-M civil lawsuit inihain ng senador vs ex-DOE chief

031423 Hataw Frontpage

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng P16-milyong civil lawsuit laban kay dating Energy secretary Alfonso Cusi bilang kabayaran sa sinabing mpaninira laban sa mambabatas.

Inihain ni Gatchalian ang kaso noong 20 Pebrero 2023 na nai-raffle sa Branch 282 ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC).

Sa kasong inihain ni Gatchalian, ang kabuuang hinihingi niya ay P10 milyon para sa moral damages, P5 para sa exemplary damages, at P1 milyong pambayad sa abogado.

Nag-ugat ang kaso, matapos ihayag ni Cusi noong 4 Pebrero 2022, na napolitika ang Udenna-Chevron Malampaya Consortium shares deal at si Gatchalian, sa panahon ng pagdinig ng Senate Committee on Energy sa usapin, ay piniling makinig sa mga adversarial na interes sa negosyo.

Ang pahayag ni Cusi ay kanyang inihayag kasabay ng pagdadala ng Senate Secretariat – Records Management and Mailing Service sa tanggapan ng Ombudsman ng adopted senate resolution na nagpapahayag ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Cusi at sa iba pang opisyal ng Department of Energy (DOE) kaugnay sa Udenna-Chevron Malampaya Consortium shares deal.

Magugunitang si Gatchalian, matapos ang resosluyon ay nagsagawa ng sunod-sunod na pagdinig bilang Chairman ng Senate committee on energy at nagsagawa ng privilege speech na tumutukoy kay Cusi at iba pang opisyal ng DOE na dapat sampahan ng kasong graft, gross neglect of duty, at grave misconduct.

Hinamon din magbitiw sa kanilang tungkulin dahil sa kanilang pagmamadali sa pag-aaproba sa pagbebenta ng interest ng Chevron sa Malampaya gas field.

Iginiit ni Gatchalian, nagkaroon ng lamat ang kanyang reputasyon bilang senador at public servant dahil sa pahayag ni Cusi lalo na’t ito ay nailathala sa DOE official website na nabasa hindi lamang sa loob ng bansa kundi sa ibang panig ng mundo lalo ng mga foreign investor at stakeholders ng energy sector.

Iginiit ni Gatchalian, nagkaroon din ng malisya at dungis sa kanyang imahen at reputasyon ang pahayag ni Cusi.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …