Monday , November 25 2024
PNP CIDG

‘Pulutan’ sa social media
EX-CIDG TOP HONCHO HINDI LANG NAPOLITIKA NASIBAK PA SA PUWESTO

ISANG mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nabiktima ng masamang politika sa bansa ang pinag-uusapan ngayon sa social media nang sibakin sa kanyang puwesto kamakailan, ng isang mataas na opisyal ng kasalukuyang administrasyon.

Kinilala ang masipag na opisyal ng PNP na si P/Brig. Gen. Ronald Oliver Lee, dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na hindi na mabilang ang mga accomplishment partikular ang pagsugpo sa ilegal na droga at iba’t ibang uri ng kriminalidad sa bansa.

Miyembro si Lee ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1992 at naging Regional Director ng PROCOR noong nakalipas na 2022 national and local elections kung saan natalo ang kapatid ng isang mataas na opisyal ng Malacañang.

Sinisisi ng isang kilalang ‘secretary’ si Lee dahil sa resulta ng eleksiyon kaya ‘abot langit’ umano ang galit sa heneral.

Sinasabing, maaaring maapektohan ang isinasagawang malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng ilang mga sabungero sa bansa dahil sa pagkakasibak kay Lee, na nangunguna sa pagresolba upang matukoy ang nasa likod ng mga naturang insidente.                                                

Napag-alamang hindi tumigil ang ‘secretary’ sa pagtawag kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr., upang agarang matanggal si Lee sa kanyang puwesto bilang CIDG Director.

Pinaniniwalaang, personal na galit ang nagbunsod sa ‘secretary’ para gamitin ang kanyang makapangyarihang puwesto upang sibakin ang sino mang kakalaban sa angkan sa kanilang teritoryo.

Samantala, kamakailan, gumawa ng resolusyon ang aabot sa 57 Senior Officers ng PNP kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr., upang ma-promote si Lee bilang Major General at si Police Colonel Benjamin De Leon bilang Brigadier General ngunit hinarang ito ng nabanggit na secretary sa Malacañang.

Sa nasabing Resolution, halos 98 porsiyento ng mga PNP generals ang pumirma sa promosyon ng dalawang opisyal na nakasaad sa Napolcom Memorandum Circular at Civil Service Commission ang bakanteng posisyon ng mga ranggong Major General at Brigadier General kaya kung malinis ang record ng naturang police official, karapat-dapat umanong iatang sa kanyang balikat ang posisyon.

Sinisipat ng ilang tagapayo ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga ginagawa ng pinagkakatiwalaang secretary na madalas umanong mapuna dahil sa ugaling ‘mapagdesisyon’ at pinangungunahan ang pangulo ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …