MANILA — Pangungunahan nina Henry Calacday, Jesus Tayag, at Arnold Soliman ang pagtatangol sa probinsiya ng Tarlac sa paglusob ng Metro Manila players at kalapit na probinsiya sa pagtulak ng Tarlac City Chess Club Open Chess Tournament 2023 na iinog sa 29 Enero sa SM City, Tarlac.
“I hope to do well in this event,” sabi ni Calacday na ipinagmamalaki ng Tarlac City.
Ang iba pang local bets na nakatutok sa prize ay sina Eric Calacday, James Henry Calacday, Jericho Calacday, Jacob Sta. Ana, Renante Santos, Angelo Landingin, Marlon Salamida, Rey Martin, at Vic Domingo.
Tatangap ang magkakampeon sa Open Category Under 2200 ng P7,000 plus trophy habang maiuuwi ng maghahari sa 12 years old and below category ang P3,000 plus trophy.
Mag call or text 09072849934, 09394420654 at 09985451223 para sa dagdag na detalye. (MARLON BERNARDINO)