Monday , May 12 2025
Racasa Chess

PH woodpusher Racasa sasabak sa Indonesia

MANILA — Matapos magkampeon sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) chess championship at pagkopo ng silver medal sa 15 Under Female Batang Pinoy Blitz Category sa Vigan City, Ilocos Sur nitong nakaraang buwan ay nakatutok si Woman National Master Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa sa paglahok sa FIDE Rated International Open Chess Tournament sa Indonesia.

Bukas ang nasabing torneo sa 21 anyos pababa na magsisimula sa 27-29 Enero 2023 na gaganapin sa Gunadarma University Karawaci, Tanggerang-Indonesia ayon kay International Arbiter Bong Bunawan.

Ang nasabing event ay inorganisa ng BKD Chess Club under auspices ng Indonesian Chess Federation.

Ang 15-anyos na si Racasa, estudyante ng Victory Christian International School ay naglalayong mapataas ang rating tungo sa 2000 para makalapit sa coveted Woman FIDE Master title.

“I hope to do well in this event (Indonesia) and gain some elo rating points,” sabi ni Racasa na pambato ng Mandaluyong City.

Si Racasa na ang local at international tournament ay suportado ng Hotel Sogo na inaasahang pangungunahan ang Philippine chess team sa World School Chess Championships 2023 na gaganapin sa 13-23 Abril 2023 sa Rhodes, Greece.

Magugunitang si Racasa, ang 2020 Philippine Sportswriters Association Tony Siddayao awardee, ay nakapagtala ng several upsets at kasama sa liderato na may nalalabing dalawang laro dahil sa pagod ay kinapos si Tonelle sa World Cadet Championship U-12 sa Weifang, Shandong, China noong 21 Agosto hanggang 1 Setyembre 2019. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …