Wednesday , May 14 2025
Jan Emmanuel Garcia Herky Del Mundo MARLON BERNARDINO Chess
Mula kaliwa hangang kanan ay sina FIDE Master Anton Paolo Del Mundo, International Master Jan Emmanuel Garcia (champion), International Master Richilieu Salcedo III (2nd), International Master Ronald Dableo (3rd) at Bayanihan Chess Club founding president National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.

IM Garcia naghari sa Del Mundo Open Rapid chess tourney

MANILA — Pinagharian ni International Master (IM) Jan Emmanuel Garcia ang Sir Herky Del Mundo Memorial Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa 2nd floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan St., Mandaluyong City nitong Martes, 3 Enero 2023.

Nakakolekta si Ateneo de Manila University chess team program manager Garcia ng 6.5 points mula six wins at draw para magkampeon sa FIDE rapid seven-round tournament na suportado ni FIDE Master Anton Paolo Del Mundo sa pakikipagtulungan nina Mam China Aurelio, at Mam Mimi Casas ng Open Kitchen.

Ang tourney ay inorganisa ng Bayanihan Chess Club, sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na pinangasiwaan ng Philippine Arbiters Chess Confederation.

“I knew that this was a tough tournament with all the talented players – Cream of the Crop of Philippine Chess. I just tried to play my best and I am satisfied with the result,” sabi ni Garcia na sariwa pa sa runner-up (2nd rank) finish sa GMG Open Rapid Chess Tournament nitong Sabado, 31 Disyembre 2022 sa nasabing lugar.

Dahil sa kanyang latest feat, naibulsa ni Garcia ang top prize  P10,000 at gold medal.

Kabilang sa mga tinalo ni Garcia sina Woman National Master Antonella Berthe Racasa sa first round; Arena Grandmaster Joselito Asi sa second round; Jerry Areque sa third round; International Master Ricardo De Guzman sa fourth round; International Master Ronald Dableo sa sixth round; at National Master Mark Jay Bacojo sa seventh at final round.

Nagtabla sina Garcia at Joseph Lawrence Rivera sa fifth round.

Tumapos sina International Master Richilieu Salcedo III, Dableo, Grandmaster Rogelio Antonio Jr., Bacojo, at De Guzman sa 2nd hanggang 6th places na may tig 6.0 points.

Kabilang sa mga nakapasok sa top ten ay sina International Master Daniel Quizon (7th), Rivera (8th), FIDE Master Jeth Romy Morado (9th) at International Master Barlo Nadera (10th). (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …