Friday , November 15 2024
PHil pinas China

Proactive policy ‘missing’ – Sen. Poe
NATIONAL GOVERNMENT INALARMA SA ‘ARRIVALS’ NG CHINA PASSENGERS

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na proactive policy para sa mga pasaherong papasok ng bansa mula sa bansang China.

Ayon kay Poe, dapat magpatupad ng COVID testing requirements sa mga pasaherong galing China lalo sa sa 8 Enero 2023 na tatanggalin na ang China travel restrictions.

“The lack of proactive policies on the matter is concerning amid the rapidly developing situation overseas. Our experience in the past three years of the pandemic has shown that delayed and uninformed COVID-related policies are sometimes more deadly than the pandemic itself,” ani Poe.

Iginiit ni Poe, dapat matiyak na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang lahat ng mga taong nasa Filipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang paghihigpit sa mga pasahero.

Ipinunto ni Poe, dapat sundin o tularan ng bansa ang naging hakbangin ng mga bansang Amerika, United Kingdom, France, Canada, Japan, at South Korea sa kanilang pagpapatupad ng muling mandatory COVID 19 testing sa dumarating mula sa China.

“Now that we have reopened again, we need to build confidence that the Philippines is well-positioned and, hopefully, now better informed in the fight against COVID,” giit ni Poe. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …