MANILA — Muling bumalik ang tikas ni Novelty Chess Club top honcho Sonsea Eda Agonoy para magkampeon sa 32nd North American Open Chess Tournament na ginanap sa Bally’s Las Vegas Hotel & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA nitong Biyernes, 30 Disyembre 2022.
Tubong Bacarra, Ilocos Norte, nakakolekta si Agonoy ng 6.5 points mula sa six wins at draw para makopo ang 5,000 US dollar top purse.
Ang ipinagmamalaki ng Novaliches, Quezon City na si Agonoy ay nagposte ng six wins at draw kontra kay Darren Wang ng United States sa seventh at final round para maghari sa Under 1500 section.
“I just wanted to play fast today and make some good moves,” sabi ng San Diego, California based na si Agonoy.
“I was playing with no pressure,”kalmadong pahayag ni Agonoy.
Si Wang ay tumapos ng triple tie sa second places kasama ang kapwa six pointers na sina Hengrui Zhang at Odbayar Yondon para kapwa makatangap ng tig 1,600 US dollar sa kanilang mga pagsisikap.
Nitong Martes, nagkampeon si Arena Grandmaster Angelito “Anji” Camer sa 2022 Rooty Hill Blitz Chess Championship na ginanap sa Sydney, Australia.
Nakaipon si Camer ng 10.5 points mula sa ten wins at one draw para maisubi ang top honors sa eleven-round event. “I’m so happy to have been part of such an incredible event,” sabi ni Sydney, Australia based Camer na tubong Las Piñas City. (MARLON BERNARDINO)