MANILA — Ipapakita ang kanyang husay ni Philippine chess wizard Alexandra Sydney Paez ng Cabuyao, Laguna, 1st year College, Dentistry sa De La Salle Medical and Health Sciences sa Dasmariñas City sa pagtulak ng Hong Kong Bauhinia U-18 Invitational Chess Championships sa 26-31 Disyembre 2022 na gaganapin sa Regal Oriental Hotel, Kowloon City, Hong Kong.
Ang 18-anyos na si Alexandra Sydney, anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) President Dr. Alfredo “Fred” Paez ay miyembro ng DLSMHSI Chess Team na nasa gabay ni multi-titled coach, FIDE Master Roel Abelgas.
Makakasama ni Alexandra Sydney sina Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas, Cavite at Ayana Nicole Usman ng Santa Rosa City, Laguna.
Ang iba pang notable entrants ay sina Isaac Hu, Hungi Yun, Guk Han, at Mingeun Song ng South Korea; Yiheng Li, Theodore Lukas Lam, Jamison Eldrich Kao, at Shun Him Leung ng Hong Kong; Hsiu Elliot Wong Yen ng Singapore; Sakkaranant Plakwongsirikul ng Thailand; Jiu Yarng Clarence Foo, Zong Ze Cheah, at Jing Er Claire Foo ng Malaysia.
Ipatutupad ng FIDE rated tournament ang seven rounds Swiss system format na may 90 minutes plus 30 seconds increment playing time.
Nakalaan sa magkakampeon ang HK$ 15,000 plus trophy at medal. Sa second placer ay HK$7,000 plus medal, third HK$5,000 plus medal, fourth HK $3,000 plus medal, fifth HK $3,000 plus medal, at sixth and seventh HK $2,000 plus medal. (MARLON BERNARDINO)