Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores Azi Acosta Roman Perez, Jr

Rash Flores, bilib sa galing nina Azi Acosta at Direk Roman sa Pamasahe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SHOWING na ngayon sa Vivamax ang pelikulang Pamasahe na tinatampukan ni Azi Acosta at mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr.

Isa si Rash Flores sa tampok sa pelikula, nagbanggit siya nang kauntng patikim sa kanilang movie.

Aniya, “Ang role ko po rito is, ako po si chief Mercado, isang seaman. Isa po ako sa talagang magbibigay ng malaking problema kay Lineth, na ginagampanan po ni Azi.”

Esplika ni Rash, “Ang masasabi ko po sa pelikulang Pamasahe is napakaganda nga niya. Sobrang daming mapupulot na aral ng manonood dito, ‘tsaka ‘yung twist niya sa dulo is hindi ko rin talaga ine-expect.

Pinuri niya ang husay ng bida ritong si Azi at ng direktor ng Pamasahe.

Sambit ni Rash, “Sobrang galing ni Azi rito, hindi ko inasahan ‘yung ganitong acting niya, kasi para siyang hindi baguhan, e.”

“Kay Direk Roman naman, actually first film ko ito kay Direk Roman. Masasabi ko na si direk Roman is bagay talaga sa kanya ‘yung Cult Director na bansag. Ang galing niya lalo na sa twist ng movie, kahit ako po hindi ko expect ‘yung twist ng Pamasahe, saludo po ako kay direk Roman,” pahayag ng barakong alaga ni Jojo Veloso.

Tampok din sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Alvaro Oteyza, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …