Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emil Malaborbor Suntok Sa Buwan Sing Galing

B2B na pagtatapos ng Suntok Sa Buwan at Kantawanan sa Sing Galing abangan
EMIL MALBORBOR WAGI ITINANGHAL NA ULTIMATE BIDA-O-KID STAR

HINDI dapat palampasin ang back-to-back na pagtatapos ng sinusubaybayang movie serye na Suntok Sa Buwanat ang Kantastic Finale ng Sing Galing sa TV5 ngayong linggo.

Matapos ang pang-intergalactic na pa-SING-laban ng mga Kantasti-Kids sa Sing Galing Kids: The Kantastic Kiddie Finale noong Sabado, December 3, itinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida-O-Kid Star ang Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor.

Tuloy pa rin ang pa-SING-laban dahil kompleto pa ang Team Galing na maglalabanan sa Team Galing Showdown ng Sing Galing! Matutunghayan ang matinding pang-SING GALING-ang performance nina Janette Larnie MaminoKate Gabriel, Carmela Lorzano, Rachelle Cardenas, Sean Felix, at Joy Escalante. Sino kaya sa kanila ang aabot sa dulo para sa Sing Galing The Kantastic Finale?

Abangan ang mainit na pa-SING-laban na Sing Galing: The Kantastic Finale na gaganapin sa EVM Convention Center at mapapanood LIVE na LIVE sa TV5 sa Sabado, December 10, 6:00 p.m..

Samantala, patindi nang patindi ang aksiyon sa nalalapit na pagtatapos ng movie seryeng pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas. Magtatagumpay kaya ang mag-amang Jimmy Boy at Dos sa kanilang misyon? Huwag palampasin ang pagdanak ng dugo, pag-agos ng luha, at pagsidhi ng emosyon sa finale episode ng Suntok Sa Buwan ngayong Huwebes, December 8, 7:15 p.m. sa TV5. 

Maaaring mapanood ang full episodes ng mga programang ito sa Cignal Play – i-download lang ang app for FREE at mag-register para makapanood dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …