Friday , November 15 2024
DICT Department of Information and Communications Technology

Kontrobersiyal Salazar nagbitiw na sa DICT

NAGBITIW na sa puwesto si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar sa Department of Information and Communications Technology (DICT) epektibo nitong Nobyembre.

Inamin ni DITC Secretary Ivan Uy sa kanyang pagharap sa makapangyraihang Commission on Appointments (CA) para sa deliberasyon ng kanyang kompirmasyon bilang kalihim ng DITC.

Ayon kay Uy, sa liham na ipinadala ni Salazar kay Pangulong Ferdinand Maracos, Jr., siya ay nagbibitiw sa kanyang tungkulin upang tutukan ang kalusugan ng kanyang asawa na nangangailangan ng kanyang presensiya.

Magugunitang sumulat kay Pangulong Marcos ang pamilya ng namayapang ERC Director Jose Villa, Jr., noong Agosto upang ikonsidera ang naunang desisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-bar si Salazar sa public service habang buhay.

Si Salazar ay natanggal sa ERC noong Oktubre 2007 matapos mapatunayang guilty sa 2 bilang ng simple misconduct at isang count ng grave misconduct na may kaugnayan sa kasong korupsiyon.

Sa kabila nito, inaprobahan sa committee level ng Komisyon ang kompirmasyon ng nominasyon ni UY.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …