MANILA — Nakopo ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa ang pangkahalatang liderato sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) chess championship na ginanap sa Niño Jesus House of Studies sa Pasig City nitong Lunes.
Nasilayan ang 15-anyos na si Racasa, estudyante ng Victory Christian International School sa pagtulak ng panalo kontra kina Stephanie Engles at Eloisa Jade Alcantara sa third at fourth rounds para manatiling undefeated, may 4.0 points sa 20 minutes plus 10 seconds increment time control format.
Una dito ay tinalo ni Racasa si Charlene Alessandra Bacunawa sa first round at Aubrey Gayle De Leon sa second round.
Kasama ng kanyang father/coach Roberto Manggaran Racasa, isang International Memory Sports champion, mas kilala sa palayaw na Tonelle sa chess world, ay makakasama ng batang Racasa sina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., sa paglahok sa 2023 Bob Wade Masters and Challengers sa 13-21 Enero sa Howick Community Church Complex sa Auckland New Zealand. (MARLON BERNARDINO)