Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Nahulog na tsinelas sinagip, 11-anyos totoy nalunod

BINAWIAN ng buhay ang isang bata sa bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan, nang malunod sa irigasyon habang nagtatangkang kunin ang nahulog niyang tsinelas nitong Sabado, 3 Disyembre.

Kinilala ang biktimang si Anthony Basquiña, 11 anyos, isang Grade 5 student.

Ayon sa lola ni Anthony na si Juanita Bagay, nagpunta sa naturang irigasyon ang kaniyang apo noong Sabado upang manood ng mga namimingwit ng isda nang malaglag sa tubig ang kanyang tsinelas na agad niyang sinubukang kunin.

Tinangka pang sagipin si Anthony ng mga residente ngunit nabigo sila dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Tumagal ng anim na oras bago nakuha ng rescue team ang katawan ng biktima na kasalukuyan nang nakaburol sa kanilang bahay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …