Sunday , December 22 2024
Kim Steven Yap
TARGET ni IM Kim Steven Yap (Elo 2373) ang kanyang second Grandmaster norm sa pag-inog ng Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL), tampok ang Manny Pacquiao International Open Chess Festival sa 13 Disyembre na gaganapin sa Family Country Hotel sa General Santos City. Nakamit ng Cebuano International Master ang first GM norm sa Berkeley Chess School 2018 Summer IM/GM Norm Tournament na ginanap sa Berkeley, California.

Manny Pacquiao International Open Chess Festival tutulak sa 13 Disyembre

MANILA — Ang pinakamalaking chess competition sa bansa, ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) tampok ang Manny Pacquiao International Open Chess Festival ay tutulak sa Disyembre 13 na gaganapin sa Family Country Hotel sa General Santos City.

“We expect this year’s competition to be just as successful,”  sabi ni Maharlika Pilipinas Chess League President International Master Hamed Nouri.

Ayon kina IM Nouri at kapwa organizers Alex Dinoy, ito ang una sa maraming torneo na planong isagawa ng MPCL.

Sa katunayan, target sa susunod na taon ang makapagdaos ng tatlong international tournaments.

Si Vitaliy Bernadskiy ng Ukraine (Elo 2615) ang nanguna sa foreign-based grandmasters (GM) na kinabibilangan nina Hovhannes Gabuzyan ng Armenia (Elo 2586), Lucas Van Foreest ng Netherlands (Elo 2577), Vitaly Sivuk ng Sweden (Elo 2570) at Luigi Basso Pier ng Italy (Elo 2516).

Ang maagang nagpatala sa International Masters (IM) ay sina Daniel Bryant ng USA (Elo 2413) at Dragos Ceres ng Moldova (Elo 2412), kalahok din sina Wee Zhun Teh ng Malaysia (Elo 1908), at Edgardo Borigas ng Hong Kong (Elo 1734).

Habang ang host Philippines ay ibabandera sina IM Kim Steven Yap (Elo 2373), IM Ricardo De Guzman (Elo 2328), IM Cris Ramayrat (Elo 2327), FM Mari Joseph Turqueza (Elo 2309), FM David Elorta (Elo 2274), IM Eric Labog, Jr., (2229), at FM Jeth Romy Morado (Elo 2212).

May whopping $100,000 o P4.2 milyon ang nakataya sa five-day event, mula 13-17 Disyembre na inaasahan ang paglahok ng 100 players sa Open division at 180 participants sa side events.

“For five days, General Santos will be the chess center of the world and we look forward to hosting the tournament of brilliant minds,” ani boxing icon at dating senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, magdaraos ng kanyang ika-44 birthday sa final day ng tournament.

Nagpapasalamat si Pacquiao kina President Ferdinand Marcos, Jr., Philippine Sports Commission chairman Noli Eala, at National Chess Federation of the Philippines chairman/president Prospero Pichay Jr., sa pagsuporta sa nasabing chessfest.

Nakataya sa open event ang cash pool na P3.4 milyon na ang ay P1.14 milyon ay maibubulsa ng magkakampeon habang ang total P800,000 ay naghihintay sa side event, na ang eventual titlist ay may cool P300,000.

Bukod sa magkakampeon, ang top 20 finishers ay may nakalaang prize kasama ang best category winners para sa  kiddies (under-14), ladies, juniors (under-20), seniors (60-above) at top local players mula General Santos City. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …