Sunday , May 11 2025
Paragua and Barbosa Chess
FILE photo nina GM Mark Paragua at GM Oliver Barbosa na 1-2 punch ng Pasig City King Pirates nina mayor Vico Sotto, coach Franco Camillo at Expedito Bolico.

Pasig makikipagtuos sa San Juan, Davao versus Negros

MANILA — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Pasig City King Pirates at Davao Chess Eagles bago nakapasok sa finals ng kani-kanilang divisions sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Wesley So Cup season 2 online chess tournament na ginanap sa Chess.com Platform nitong Sabado, 3 Disyembre.

Nakaungos ang Pasig sa Manila Indios Bravos nina Atty. Joey Elauria at Val Mendoza, 14.5-6.5, 8.5-12.5, at 2-1 sa Armageddon sa Northern Division, habang lusot din ang Davao sa Toledo City Trojans, 11.5-9.5, 10.5-10.5, at 2-1 Armageddon sa Southern Division.

Pinasuko ni IM elect Eric Labog, Jr., si FM Deniel Causo, habang nakatakas si GM Mark Paragua sa losing position kontra kay FM Nelson “Elo” Mariano III tungo sa tagumpay ng Pasig nina mayor Vico Sotto, coach Franco Camillo at Expedito Bolico sa playoffs.

Nakaiwas ang Maynila sa posibleng pagkabokya nang manaig si IM Ronald Dableo kontra kay GM Oliver Barbosa.

Panalo ang Pasig sa first match, 14.5-6.5, at namayani ang Maynila sa second match, 8.5-12.5, tungo sa Armageddon.

Sa North final ay makakalaban ng Pasig ang San Juan Predators nina PCAP chairman Michael Angelo Ong Chua at coach Hubert Estrella, nagtala ng 11.5-9.5 at 14.5-6.5 panalo kontra sa inaugural PCAP All-Filipino Conference champion Laguna Heroes ni Dr. Fred Paez sa isa pang semi-final.

Sa South ay umasa ang Davao nina Atty. Jong Guevarra at team captain Chris Yap kina FM Austin Jacob Literatus at FM Sander Severino para mapatalsik ang hard-fighting Toledo side.

Pinisak ni Literatus si Ronald Ganzon habang umibabaw si Severino kay NM Merben Roque.

Natalo si NM Dale Bernardo kay Allan Pason ng Toledo.

Ang makakalaban ng Davao sa South championship ay ang Negros Kingsmen nina Antonio Martin Olendo at Jeanshen Rosalem na binigo ang Iloilo Kisela Knights ni team owner Leo Sotaridona, 13.5 – 7.5, at 12.5 – 8.5.

Ang PCAP, ang country’s first play-for-pay league sa gabay ni PCAP President Atty. Paul Elauria na suportado ng San Miguel Corporation, Ayala Land, at PCWorx na sanctioned ng Games and Amusement Board sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay ni chairman/president Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …