Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
My Ninong, My Ninang Christmas Promo ng PalawanPay Palawan Pawnshop

“My Ninong, My Ninang”  Christmas Promo ng PalawanPay

MABUTING balita mga suki!

Mas pinagaan at mas pinabilis ng Palawan Pawnshop Group ang transaksiyon sa inilunsad na PalawanPay, ang e-wallet app na magagamit ngayong sandamakmak ang mga gawain sa Holiday Season.

Ang PalawanPay ay magagamit sa pagpapadala ng pera sa mga kaanak, magbayad ng inyong mga bills, magpadala ng budget mula sa iba pang available na e-wallets at banko at makapamili ng gamit ang inyong PalawanPay QR Ph code. 

Para makakuha ng PalawanPay QR Ph code, pindutin ang dilaw na QR icon sa ibaba ng inyong PalawanPay app at mag-download. Libre ang PalawanPay App na makukuha sa Apple Store o Google Play Store.  

Ang PalawanPay ay QR Ph-Compliant app, ay tumatalima sa ipinapatupad na National QR Code Standards ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mandato ng BSP ang paggamit ng QRPH logo sa lahat ng mga kasaping payment providers, kabilang ang mga banko at non-bank electronic money issuers (EMIs) sa bansa.

Sa paggamit ng QRPH Code, mas mapapadali ang gawain sa pananalapi nang ligtas at kaaya-aya.

Maituturing na one-stop app ang PalawanPay na kinakapalooban ng Pera Padala,  e-loading, bills payment, scan to pay, cash in, at cash out. 

Mahigit sa 400 billers ang katambal nito para sa mabilis na pagbabayad  kabilang ang household utilities, collection services, credit cards, e-commerce, government agencies, insurance, loans, payment gateways, memorials, real estate at mga eskwelahan.

Ngayong Kapaskuhan, mas magiging magaan ang pamimili at iba pang gawain gamit ang PalawanPay.

Sa paggamit ng naturing app, hindi lamang mapapabilis ang pagpapadala ng pera mula sa PalawanPay patungo sa PalawanPay e-wallet o sa lahat ng Palawan Express branch, bagkus may pagkakataon pang manalo ng mga papremyo sa “My Ninong, My Ninang, May Papremyo Promo ng Palawan!” campaign. 

Para makasalo, magpadala ng inyong ‘aguinaldos’ gamit ang “Send Money” feature ng PalawanPay app patungo sa iba pang PalawanPay Wallet o sa Palawan Express branch. Sa kada limang transactions may katumbas itong isang entry para sa raffle draw.

Ang mga magwawagi sa naturang raffle draw ay ipalalabas sa PalawanPay’s Facebook page. Makikipag-ugnayan din ang kinatawan ng PalawanPay sa pamamagitan ng registered mail, email, at text message. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang https://www.palawanpay.com/promos/

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …