Monday , May 12 2025
Jako Concio Jr Chess

IM Michael “Jako” Concio Jr., muling nanalasa sa GMG Chess tourney

MANILA — Muling nanalasa si International Master Michael “Jako” Concio Jr., ng Dasmariñas City, Cavite, consistent winner sa online tournaments matapos maghari sa GMG Chess Monthly November 2022 Arena na ginanap sa Lichess Platform nitong 30 Nobyembre.

Ang 17-anyos na si Concio, Grade 12 student ng Dasmariñas Integrated High School ay tumapos ng 75 points sa 22 games for a win rate of 82 percent at performance rating  2740 para magkampeon sa event na suportado ni Coach Gerald Ferriol.

“The online tournament had time control of three minutes and players must win as many games in one and half hours of play,” sabi ni Ferriol.

Si Concio, nasa pangangalaga nina Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Mayor Jenny Barzaga, National Coach FIDE Master Roel Abelgas, Martin Meneses, at Papadu Sportswear ay nakatangap ng P1,500 top purse sa kanyang efforts.

Si Concio ay sariwa pa sa magnificent performance sa Asian Junior Chess Championship kamakailan na ginanap sa Tagaytay City.

Nakopo ni Concio ang gold sa Rapid Under-18 at Standard Under-18 at silver medal sa Standard Under-20.

Tumapos si National Master Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas City, Cavite sa second spot na may 63 points mula sa 23 games na win rate of 70 percent at performance rating 2579 tungo sa P1,000 second place prize.

Nasa third place si Christian Mendoza ng Antipolo City na may 53 points tungo sa P500.

Pasok sa top 10 sina Anju Bansal (fourth), Anatoly Pascua (fifth), Jonathan Jota (sixth), Vignesh B (seventh), Sergey Volkov (eight), NM Jonathan Tan (ninth), at NM Noel Dela Cruz (tenth).

Itinanghal na category winners sina Marvin Arendain (top kiddie), Nephira Marilag (top women), Gary Legapsi (top senior), at Ronnie Villa (top PWD).

Samantala ang 3rd GMG Chess Monthly tournament ay pinagharian ni Tiger, may 4.5 points kasunod sina James (4.0 points) at Bill (3.5 points). (MB)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …