Sunday , December 22 2024
Rogelio Banjo Barcenilla Jr Chess

GM Barcenilla panalo sa blitz

MANILA — Panalo ang Laguna Heroes sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nitong Sabado ng gabi.

Nakalusot ang Laguna Heroes sa Rizal Batch Towers sa blitz game, 4-3, dahil sa tagumpay ng two-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Arena Candidate Master Michella Concio, at Richie Jocson at sa pag-draw ng game nina FIDE Master Roel Abelgas at International Master elect at FIDE Master Jose Efren Bagamasbad.

Ginapi ni Barcenilla si IM Richelieu Salcedo III, iwinasiwas ni Concio si Kelly Ann David Salcedo, Dinurog ni Jocson si John Paul Aquino, hati sa puntos si Abelgas kay NM Noel Dela Cruz at tabla rin si Bagamasbad kay NM Elias Lao.

Sina Phillip Simon Din at Gerone Anore ang nagbigay ng panalo sa Rizal matapos talunin sina Christian Nanola ng Laguna at AGM Kimuel Aaron Lorenzo, ayon sa pagkakasunod.

“We had an exciting match against Rizal. It was a close match. This is a good motivation for the team as we approach the quarterfinals against Isabela,” sabi ni Concio na playing assistant coach ng Laguna Heroes.

Ngunit ang Laguna Heroes na suportado nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Billy Joe Ereño ng Costbusters Philippines Corp., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods, at AGM Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, at St. Peregrine Dental Clinic ay panalo sa Rizal Batch Towers sa rapid match, 8-6, dahil sa taumpay nina Concio, Lorenzo, at Apollo Agapay habang tabla ang laro nina Barcenilla at Abelgas.

Nakopo ng Laguna Heroes ang third place honors sa Northern division elimination round.

Makakalaban ng Laguna Heroes ang Isabela Knights of Alexander sa northern division, quarter-finals, knock-out stage. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …