ni Marlon Bernardino
MANILA — Pinagharian ni Filipino Kim Yutangco Zafra ang katatapos na Tallinna MK kiirturniiride sari SÜGIS`2022 (VI etapp) A Chess Championship 2022 na ginanap sa Tallinn, Estonia nitong Sabado, 26 Nobyembre.
Nakabase sa Europe, si Zafra ay nakaipon ng 6.5 points mula sa account na six wins at one draw sa seven outings para magkampeon sa FIDE rated event na ipinatupad ang 15 minutes plus 3 seconds increment.
Nailista ni Zafra ang importanteng panalo kontra kina Artur Marton sa first round, Robin Ricco Savipold sa second round, Natig Ispanov sa third round, Woman FIDE Master WFM Sofia Blokhin sa fourth round, Jaan Urgas sa fifth round at Vladimir Dukov sa seventh at final round.
Tabla siya kay Vjatseslav Garber sa sixth round.
Nasilayan din si Zafra sa kanyang paglahok sa 2022 FIDE World Amateur Championships na ginanap sa Malta nitong 20-30 Oktubre 2022.