TAGAYTAY CITY — Kinapos si International Master Daniel Quizon sa rapid at standard chess ngunit inilabas niya ang kanyang galit sa bandang huli nang magkampeon sa blitz tournament ng Asian Juniors and Girls Chess Championship 2022 na ginanap sa Knights Templar Ridge Hotel sa Tagaytay City nitong Biyernes, 25 Nobyembre.
Ang 17-anyos na si Quizon, tumapos ng 6th sa rapid at 17th place sa standard chess ay naghari sa blitz event nitong Biyernes.
Tumapos si Quizon sa nine-round competition ng 7.0 points mula six victories, two draws at loss para maibulsa ang gold medal sa event na tampok ang 52 brightest young players mula 11 Asian countries.
“Your learn more from losing than winning. You learn how to keep going,” sabi ni Quizon na nasa kandili nina Rep. Pidi Barzaga, Mayor Jenny Barzaga at National Coach Fide Master Roel Abelgas.
Bida rin si newly-minted International Master Eric Idio Labog, Jr., freshman student ng Immaculada Concepcion College sa Caloocan City, nakamit ang silver medal.
Ang kampanya ni Labog, 19 anyos, ay suportado nina Immaculada Concepcion College President Marcelino Vincente Agana at Director Administrative Services Department/ School Director Mr. Raul S. Acapulco, at Papadu Sportswear ay tumapos ng second na may 6.5 points, iskor na naitala nina bronze medal winner International Master Sugar Gan-Erdene ng Mongolia (third) at Dau Khuong Duy ng Vietnam (fourth).
Magkasalo sa fifth hanggang sixth places na may tig 6.0 points sina International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas at International Master Avinash Ramesh ng India.
Nakamit ni WFM Patil Bhagyashree ng India ang girls’ gold medal na may 7.0 points. Naisukbit ni WIM Nazerke Nurgali (6.5) ng Kazakhstan ang silver at naiuwi ni WIM Ravi Rakshitta (6.0) ng Kazakhstan ang bronze sa competition na ang punong abala ay si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.
Ang iba pang notable winners ay ang 11-anyos na si Daniella Bianca Cruz, Grade 6 student sa City of Malolos Integrated School – Sto. Rosario, nagkamit ng silver sa U16 blitz category at ang 12 anyos na si Al Basher “Basty” Buto, Grade 7 student ng Faith Christian School na nag-bronze sa U16 standard category.
Binuksan ni National Chess Federation of the Philippines Vice President Athena Bryana Tolentino, ang kasalukuyang Cavite vice governor ang torneo, sampung araw na ang nakalilipas. (MARLON BERNARDINO)