TAGAYTAY CITY — Ginapi ni National Master Eric Labog, Jr., ng Filipinas si International Master Raahul V S ng India Martes, kahapon, 22 Nobyembre para makabalik sa kontensiyon ng Asian Juniors and Girls Chess Championships sa Knights Templar hotel sa Tagaytay City.
Sa kanyang third win kontra sa one draw at loss, nagbigay kay Labog ng 3.5 points, kalahating puntos ang lamang ng pacesetter na sina top seed International Master Saha Neelash ng India, International Master Harshavardhan G B ng India at International Master Sugar Gan-Erdene of Mongolia na may tig 4.0 points.
May 3.5 points din sina Chatterjee Utsab ng India, Dziththauly Ramadhan ng Indonesia at Fide Master Daniyal Sapenov ng Kazakhstan.
Sa iba pang resulta ay tabla sina Harshavardhan G B at Neelash naghati naman ng puntos sina Gan-Erdene at Utsab.
Si Labog, 19 anyos, ay freshman student ng Immaculada Concepcion College ay nabigo muna kay Neelash sa Monday’s fourth round.
Nakaungos si International Master Daniel Quizon sa kababayang si Mar Aviel Carredo tungo sa 3.0 points at pag-akyat sa 8th hanggang 14th places kasama sina International Master Michael Concio, Jr., at National Master Christian Mark Daluz ng Filipinas.
Sa Girls division ay panalo si Woman International Master Bach Ngoc Thuy Duong ng Vietnam kay Woman International Master Nazerke Nurgali ng Kazakhstan para manatili sa liderato na may 4.5 points, half point ahead kina top pick Woman International Master Assel Serikbay ng Kazakhstan at Woman Fide Master Mitra Asgharzadeh ng Iran, kapwa may tig 4.0 points.
Dalawang manlalarong may tig 3.5 points, sina Woman International Master Ravi Rakshitta ng India at Femil Chelladurai ng India.
Umabot sa 32 boys mula sa 11 bansa ang lumahok sa junior division habang 20 players ang lumahok sa 9-round Swiss system tournament sa girls. Ang championship ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines on behalf ng Asian Chess Federation. (MARLON BERNARDINO)