Sunday , December 22 2024
Jacinto Bustamante Benjamin Bauto Chess

Tagumpay sa Tagaytay City

CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino

NAGING matagumpay ang pagbubukas ng Asian Juniors and Girls Chess Championship 2022 na ginanap sa Knights Templar Ridge Hotel sa Tagaytay City nitong Biyernes.

Mismong sina Cavite Vice Governor at National Chess Federation of the Philippines Vice President Athena Bryana D. Tolentino at Girls top seed Woman International Master Assel Serikbay ng Kazakhstan ang nanguna sa pagsasagawa ng ceremonial opening moves bilang hudyat ng pagbubukas ng eight-day tournament na pinasinayaan din nina Tagaytay City Mayor at Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino at Asian Chess Federation Executive Board member Mehrdad Pahlevanzadeh, at iba pang miyembro ng Appeals Committee mula India, Guam, Iran, Malaysia at Kazakhstan.

Nitong Biyernes, ginanap ang one-day Rapid Competition, na ang Pinoy International Master (IM) Michael “Jako” Concio, Jr., ang hinirang na kampeon sa Asian Juniors Chess Championship 2022.

Ang 17-anyos na si Concio, Grade 12 student ng Dasmariñas Integrated High School ay nakakolekta ng 6.5 points mula sa six wins at one draw para magkampeon sa seven-round tournament na ipinatupad ang 10 minutes plus 10 seconds increment time control format.

Kabilang sa mga pinabagsak ni Concio, sina Arena FIDE Master Michael Michio Dela Cruz ng Philippines sa first round, Noah Combs ng Guam sa second round, FIDE Master Eldiar Orozbaev ng Kyrgyzstan sa third round, Ramadhan Dziththauly ng Indonesia sa fifth round, FIDE Master Arman Hakemi ng Iran sa sixth round, at International Master Neelash Saha ng India sa seventh at final round. Tabla siya kay Chatterjee Utsab ng India sa fourth round.

“The win is a blessing,” sabi ni Concio na suportado ang kanyang kampanya nina Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Mayor Jenny Barzaga, National Coach Fide Master Roel Abelgas, Grandmaster Darwin Laylo, at Papadu Sportswear.

Nasaksihan niya nitong Sabado ang 9-round Swiss system Standard tournament, suportado ng Asian Chess Federation (ACF), Philippine Sports Commission at ng City of Tagaytay na ang tournament director ay si Mr. Michael Lapitan.

Naisukbit ang youngest participants award ng 6-anyos Ily Meyou Delubio Espinosa, isa sa estudyante ni coach Ricky Oncita, nagbida sa Napico 10 minutes blitz tournament na ginanap sa Napico covered court nitong 6 Nobyembre. Si Espinosa ay Grade 1 pupil ng Mangahan Elementary School.

@@@

TUMULAK na ang 1st Jacinto y Bustamante Open Chess Tournament sa 27 Nobyembre sa SM Mega Center sa Cabanatuan City. Punong abala ng one-day rapid event si Nueva Ecija University of Science and Technology – NEUST Professor Jacinto Y. Bustamante na inorganisa ni Mr. Benjamin Bauto, Cabanatuan City Chess Club na may total pot prize P14,500 na ang nakalaan sa magkakampeon ay P5,000 plus trophy. Call o text sa 09236508489 at 09564322272.

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …