Thursday , April 17 2025
Rogelio Joey Antonio Jr

30th FIDE World Senior Individual Chess Championship: <br> LAKAS NI ANTONIO RAMDAM AGAD SA ITALY CHESS

ni Marlon Bernardino

MANILA — Giniba ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., (Elo 2397) si Igor Tsyn (Elo 2014) ng Israel bilang malakas na simula ng kanyang kampanya sa first round ng 30th  FIDE World Senior Individual Chess Championship sa Hotel Cenacolo sa Assisi, Umbria, Italy Martes ng gabi.

Maaliwalas ang panimula ng 60-anyos na si Antonio, target maipagpatuloy ang kanyang pananalasa matapos ang forgettable performance sa RSM Tun Mustapha Championship Tawau nitong nakaraang 17-18 Setyembre sa Sabah, Malaysia, tumapos bilang over-all 1st place, ang kanyang first international over the board tournament sa taong 2022.

Tangan ang puting piyesa, namayani ang 13-time Philippine Open Champ na si Antonio kontra Igor Tsyn sa 54 moves ng French defense sa 50-and-above division.

Si Antonio na ang kampanya ay suportado ng National Chess Federation of the Philippines, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, the Philippine Amusement and Gaming Corp., Sen. Bong Go, Col. Jaime Osit Santos, at Bayanihan Chess Club Co-Founding Chairman Dr. Joe Balinas, ay makakalaban si FIDE Master Milan Kolesar (Elo 2136) ng Slovakia sa second round, Miyerkoles ng gabi.

Si Kolesar ang nagpayuko kay Dr. Andreas         

Gerlach (Elo 1632) ng Germany.

Si Antonio, top player ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) ng Iloilo Kisela Knights na pag-aari ni sportsman Mr. Leo Sotaridona, ay nagtatangkang lampasan ang kanyang runner-up finish sa 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+) sa Acqui Terme, Italy noong 2017 na ang nagkampeon ay si Grandmaster Julio Granda Zúñiga ng Peru.

Ang Quezon City resident na si Antonio, tubong Calapan City, Oriental Mindoro ay nagwagi rin ng team silver medal kasama sina Eugene Torre, Wesley So, John Paul Gomez, at Darwin Laylo sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Samantala, hindi pinalad si International Master Angelo Abundo Young (Elo 2309) matapos yumuko kay Manuel Ruiz Bellon (Elo 1968) ng Spain.

Si Young, ang eight-time Illinois USA champion ay makahaharap si Marco Di Paolo (Elo 1833) ng Spain na talo rin  kay FIDE Master Hayder A. Jaafar Al-Sahlanee (Elo 2194) ng Iraq.

Sa kabila nito, panalo si International Master elect at FIDE Master Jose Efren Bagamasbad (Elo 2051) kontra Fosco Cavatorta (Elo 1725) ng Italy para makatapat si Grandmaster Jens Kristiansen (Elo 2353) ng Denmark sa next round na iwinasiwas si Kjetil Strand (Elo 1953) ng Norway sa 65-years old and above category.

Si Bagamasbad ay sariwa mula sa paghahari sa Asian Seniors Chess Championship sa Over 65 category division nitong 14-22 Oktubre sa Auckland, New Zealand.

Sa kanyang tagumpay, nakamit ni Bagamasbad ang outright International Master at Grandmaster norms.

Sina Young at Bagamasbad ay parehong Senior players sa PCAP championship team na Laguna Heroes, pagmamay-ari ni online Arena Grandmaster Dr. Fred Paez.

About Marlon Bernardino

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …