Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMRC DepEd Filipino values month

Sa pagdiriwang ng Filipino values month  
GMRC TIYAKING MAAYOS NA NAITUTURO

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang maayos at tamang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa mga paaralan sa bansa, kaugnay ng pagdiriwang ng Filipino values month.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11476 o ang GMRC and Values Education Act, ini-sponsor ni Gatchalian noong 18th Congress, ginawang institutionalized ang pagtuturo ng GMRC at Values Education sa K to 12 Curriculum.

At ngayong umarangkada ang 100% face-to-face classes, nakikita ni Gatchalian ang oportunidad para sa mas maigting na pagpapatupad ng character-building activities na mandato ng naturang batas.

Naisabatas ang GMRC and Values Education Act noong Hunyo 2020 sa kasagsagan ng pandemya.  

Dagdag ni Gatchalian, ang values education at character-building activities ay makatutulong upang matugunan ang lantarang mga insidente ng bullying sa mga paaralan.

Matatandaang lumabas sa resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) na 65 porsiyento ng mga kalahok ang nakaranas ng ilang insidente ng bullying sa loob ng isang buwan. Mas mataas ito sa average na 25 porsiyento na naitala sa halos 80 o 79 na bansang lumahok sa pag-aaral.

Lumabas din sa resulta ng PISA na mataas ang posibilidad para sa bully at sa kanilang mga biktima na hindi pumasok sa kanilang mga klase, magkaroon ng mas mababang mga marka, at mag drop-out sa kanilang mga paaralan.

“Upang matiyak natin na ang ating mga kabataan ay magiging mabuting mamamayan, kailangang tiyakin natin ang maayos na pagtuturo ng GMRC at Values Education. Napapanahon din ang pagpapaigting sa pagtuturo ng GMRC at Values Education lalo’t bumalik na ang ating mga mag-aaral sa face-to-face classes. Matapos ang dalawang taon ng distance learning, sa wakas ay mas mapapalalim na ang karanasan ng ating mga kabataan pagdating sa GMRC at Values Education,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education. Sa ilalim ng batas, pinalitan ng GMRC ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) para sa Grade 1 hanggang Grade 6, habang Values Education naman ang itinuturo sa Grade 7 hanggang 10. Mandato rin ang integration ng Values Education sa mga kasalukuyang subject na itinuturo sa Grade 11 hanggang Grade 12. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …