INIHAYAG ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, inaasahan ng Senado na maipasa ang 2023 budget sa 30 Nobyembre at umaasa na maisumite sa Malacañang sa Disyembre.
Inihayag ito ni Zubiri matapos i-sponsor ni Senador Juan Edcgrado “Sonny” Angara, Chairman ng senate Committee on Finance sa plenary session ang panukalang 2023 national budget kasunod ng kanilang bakasyon.
“Ang target talaga namin is November 30, baka makaya nating maipasa before that. Hindi ko lang ma-predict ‘yong… of course, ating bicam. Kasi bicam, House and Senate ‘yan,” ani Zubiri.
Ayon kay Zubiri, ang ratipikasyon sa panukalang 2023 national budget ay sa unang linggo ng Disyembre.
“Ratification. Ang plano sana namin, first week of December, kung kaya. I think, what he’s asking, he requested lang, just in case ma-extend, para sa compilation ng mga amendments,” dagdag ni Zubiri.
Ani Zubiri, hindi muna papayagan ang committee hearings habang mayroong budget marathon hearings, kasama ang Commission on Appointments.
“Wala. Bawal. Under our rules, when session is ongoing, there can be no other committee hearings. That’s why pati CA is postponed – let me get my calendar – is actually postponed up to November 22, 23, Tuesday and Wednesday,” paglilinaw ni Zubiri. (NIÑO ACLAN)