Tuesday , December 24 2024
neda infrastructure

Para sa mas matatag na ekonomiya
NEDA PALAKASIN 

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang kapangyarihan at tungkulin ng National Economic and Development Authority (NEDA) at gawing “institutionalized” ang pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad ng bansa.

“Hindi sapat na mayroon tayong national development plan. Upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito, dapat maging independent ang NEDA para sa isang integrated at coordinated na pagpapatupad ng mandato nito,” saad ni Gatchalian, lalo na’t ang prioritize ng mga development goals sa bansa ay kadalasang dumedepende sa political direction ng nakaupong administrasyon.

Ang NEDA ay nilikha sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 107 noong 24 Enero 1973, at muling inorganisa sa bisa ng Executive Order No. 230 series of 1987. Kaya naman layon ng Senate Bill 1060 na palakasin ang kasalukuyang mandato ng ahensiya upang makamit ang isang tinatawag na inclusive economy na makalilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad, magkaroon ng patas na pamamahagi ng kita at kayamanan; at maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan, ayon kay Gatchalian.  

Sa ilalim ng panukalang batas, palalakasin ang awtonomiya ng mga local government units sa iba’t ibang rehiyon sa bansa upang mapabilis ang kanilang pag-unlad. Mangangailangan din ito ng partisipasyon ng publiko at pribadong sektor.

Batay pa rin sa naturang panukala, ang NEDA Board ay dapat magpulong isang beses kada tatlong buwan o kada quarter o magdaos ng emergency meetings tuwing kinakailangan, halimbawa kapag may sakuna, kalamidad, o iba pang emergency situations na maaaring makaapekto sa ekonomiya at pambansang kaunlaran.

Dapat tiyakin ng NEDA Board, kasama ng Department of Budget and Management (DBM) at iba pang government oversight agencies, na ang taunang paglalaan ng pondo para sa mga pambansang programa at proyekto ay naaayon sa mga estratehiyang isinusulong ng Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP) at Medium-Term Regional Development Plans (MTRDPs). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …