TINIYAK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, mas malaking pondo ng calamity funds ang kanilang inilaan para sa panukalang 2023 national budget dahil sa sunod-sunod na mga pinsala na dulot ng bagyo at mga kalamidad.
Ayon kay Angara, sa ilalim ng panukalang 2023 national budget, ang nakalaang pondo para sa kalamidad ay P30 bilyon, mas mataas kompara sa kasalukuyan at mga nakalipas na calamity funds ng ating pamahalaan.
Bukod dito sinabi ni Angara, bukas din ang kanyang komite kung nais pang dagdagan ang calamity funds nang sa ganoon ay higit na matugunan ang pangangilangan ng mga naapektohan ng kalamidad at bagyo.
Bukod pa sa mga impraestrukturang tinamaan o naapektohan ng kalamidad at bagyo na dapat agarang maiayos upang maibalik ang serbisyo nito sa mga mga mamamayan.
Kaugnay nito, nakatakdang isumite sa Martes ni Angara ang Committee Report ukol sa 2023 national budget, kalakip ang calamity funds.
Matapos nito, agarang tatayo sa plenaryo sa Martes ng hapon si Angara upang idepensa ang 2023 proposed national budget.
Inaasahan ni Angara na ang kanilang pagtitibaying calamitY funds para sa taong 2023 ay higit na mapapakinabngan ng mga mamamayang naapektohan ng kalamidad. (NIÑO ACLAN)