Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Win Gatchalian

National public school database isinusulong

IMINUNGKAHI  ni Senador Win Gatchalian ang paglikha ng isang National Public School Database upang mapalawig ang access ng publiko sa mga record ng mga mag-aaral at mapadali ang proseso ng enrolment.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 478 o ang Public School Database Act, lilikha at magpapatakbo ang Department of Education (DepEd) ng National Public School Database kung saan matatagpuan ang mga impormasyong tulad ng grades, personal na datos, good moral record, at improvement tracking.

“Ang National Public School Database ay magsisilbing mekanismo para sa pagbibigay ng napapanahon, akma, at wastong impormasyong makatutulong sa pagpapadali ng mga gawain ng ating mga guro,” ani Gatchalian.

Dagdag niya, ang mga pisikal na dokumento ay madaling masira at mawala dahil sa kawalan ng maayos na lalagyan dahil sa baha, sunog, at iba pang mga kalamidad.

Kung kakalap ang mga record ng mag-aaral sa isang database, mapapanatili ang kanilang impormasyon na makatutulong sa assessment, pagpaplano, at pagtatakda ng operational targets.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga school administrator ay bibigyan ng access sa National Public School Database kung saan matatagpuan ang mga datos ng mga mag-aaral, kabilang ang mga exam scores, grade levels, attendance, at record ng pagbabakuna.

Ito ay para makatulong sa pagtatala ng biographical data para sa lahat ng mag-aaral at makatulong sa admission at discharge, at sa paglipat ng mga mag-aaral sa ibang paaralan.

Iminumungkahi ni Gatchalian ang Database Information Program para sa pagsasanay ng mga education professionals sa paglikha at pagpapanatili ng National Public School Database.

Magiging mandato sa DepEd na tiyakin ang kaligtasan ng impormasyong nakalagay sa National Public School Database. Sa ilalim ng panukalang batas, ang pag-access at paggamit sa impormasyong matatagpuan sa National Public School Database ay dapat maging alinsunod sa Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …