Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla PNP Police

Nagpasaklolo sa PNP
DISKRIMINASYON SA ‘MUSLIM’ NAIS TULDUKAN NG SENADOR


MALAKI ang magagawa ng Philippine National Police (PNP) para tuldukan ang diskriminasyon sa mga Muslim, kasama ang pagtukoy sa isang kriminal na ‘Muslim’ at walang pakundangang pagbibigay ng pagkaing may karneng baboy sa mga bilanggong Muslim sa PNP Custodial Center.

Iginiit ito nitong Lunes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos ang mga pangyayari noong Linggo, nang i-hostage si dating Senator Leila de Lima sa naturang pasilidad.

“Nananawagan po ako, nagpapakumbaba, kay Sir PNP chief, P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., na maglunsad po ng malawakang education drive para imulat po ang mga pulis natin, na ating mga bayani, sa mga usaping ito. Naniniwala po ako sa napakalaking papel na maaaring gampanan ng ating bayaning pulis upang matigil na ang diskriminasyon – sa napakahabang panahon po ay hindi pa namin nakakamit. Hindi pa rin po ito natutuldukan,” ani Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs.
              

Desmayado si Padilla sa napanood niyang video sa social media nang tukuyin ng mga nagrespondeng pulis ang mga hostage-taker bilang ‘Muslim.’

Muling nanawagan ang mambabatas sa pamunuan ng PNP na magkaroon ng edukasyon sa hanay ng pulisya sa paggamit ng salitang ‘Muslim.’

“Bagamat tayo po ay nagagalak na ligtas si Senadora De Lima at patuloy na nananalangin sa paggaling ng nasugatang pulis sa insidente, hindi ko mapigilang mapansin sa video ang paulit-ulit na pagtukoy na ‘mga Muslim ang hostage-takers’,” emosyonal na wika ni Padilla.

“Hangad kong malaman ng lahat na hindi ginagamit ang salitang ‘Muslim’ sa pagtukoy sa isang tao, lalo’t may kinalaman sa krimen o terorismo. May pangalan po ang mga nasabing tao. Mas mainam pong i-identify po natin sila hindi sa kanyang relihiyon dahil wala pong kinalaman ang relihiyon dito,” dagdag niya.

“Kung ang alagad ng batas ay humusga ng bansag sa isang relihiyon, para saan po ang babaeng nakapiring ang mga mata at may hawak na timbangan?”

Samantala, nabahala rin si Padilla sa pahayag ni dating Senadora De Lima na isang dahilan sa pag-aaklas ng mga bilanggo ang umano’y ‘parang hayop’ na pagtrato sa kanila sa kulungan at ang pagpapakain ng karneng baboy sa mga bilanggong nanampalataya sa Islam.

“Ang paksa tungkol sa angkop na pagkain sa loob ng ating mga presohan ay ilang ulit ko na pong itinanong sa kinauukulan – ngunit ang palagiang sagot na atin pong nakukuha ay: may angkop na pagkain, sang-ayon sa kanilang paniniwala, na ibinibigay sa ating mga persons deprived of liberty (PDLs). Sa tamang panahon, muli ko pong bubuksan ang talakaying ito,” pahayag ni Padilla. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …