Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayala Foundation DSWD Erwin Tulfo
NAKATANGGAP ang mga kaanak ng limang magigiting na rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng tulong pinansiyal mula sa Ayala Foundation, bilang pagkilala sa kanilang buong-pusong serbisyo nang manalasa ang super typhoon Karding.

Mula sa Ayala Foundation
KAANAK NG NAMAYAPANG BULACAN RESCUERS, NAKATANGGAP NG TULONG
Relief ops ng #BrigadangAyala, umarangkada sa mga probinsiya

MANILA — Nakatanggap ang mga kaanak ng limang magigiting na rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng tulong pinansiyal mula sa Ayala Foundation, bilang pagkilala sa kanilang buong-pusong serbisyo nang manalasa ang super typhoon Karding.

Binawian ng buhay habang nagreresponde ang limang rescuers — George Agustin, 45; Troy Justin Agustin, 30; Marby Bartolome, 37; Narciso Calayag, Jr., 33; at Jerson Resurreccion, 33 — nang humagupit ang super typhoon noong nakaraang linggo.

Nagbigay-pugay si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa mga namayapang rescuer at kanilang mga kaanak sa isang maiksing programa kasama sina Ayala Foundation President Ruel Maranan at Ayala Corporation Managing Director General Emmanuel Bautista (Ret.) nitong umaga.

“During calamities, we feel safer because there are people whom we call rescuers and first responders. Sila po iyong mga kamag-anak ninyo,” ani Tulfo. “They are the first responders. They responded to the call of duty. They did not waste their lives. Rather, they gave it to make sure that the people of Bulacan are safe during that very moment.”

“Nagbibigay-pugay po kami sa inyong mga kapamilya sa kanilang ginawang pagbubuwis ng kanilang buhay sa pagtulong sa kanilang mga kapwa,” ani Maranan. “Ang kanilang kabayanihan ang nagbibigay buhay at inspirasyon upang patuloy na makatulong sa marami pang nangangailangan.”

Maagap na nagsagawa ng relief operations ang #BrigadangAyala ng Ayala Group of Companies sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos humagupit ang super typhoon Karding.

Dalawang libong rice packs ang ibinahagi ng grupo sa Maynila at Quezon City, at 2,000 food packs naman ang inilaan para sa Pampanga at Zambales. Sa tulong ng BPI Foundation, ACEN, at Manila Water Foundation, nakapagpaabot din ang #BrigadangAyala ng food packs, health kits, at inuming tubig sa mga pinaka-apektadong probinsiya. Ang rice at food packs ay inihatid gamit ang trucks ng Makati Development Corporation. 

“We’d like to thank Ayala Foundation for always being there in times of crisis. Ang Ayala Foundation po ay nariyan at ka-partner po ng pamahalaan sa pagtulong sa tuwing mayroong sakuna at krisis ang ating bayan,” pagkukwento ni Tulfo. “Ayala has been a partner of DSWD for a long, long time. We don’t have to call them. They come. Alam namin na kasunod na namin sila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …