Friday , November 15 2024
NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win Gatchalian upang ibalik ang natapyas na pondo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa susunod na taon.

Nagpahayag ng pagkabahala ang senador matapos bawasan ang 2023 budget ng ahensiya batay sa National Expenditure Program (NEP).

Mula sa aktwal na pondong P2.3 bilyon ngayong taon, lumiit ito sa P1.8 bilyon para sa 2023.

Dahil dito, nabawasan ng halos 20 porsiyento ang pondong inilaan para sa anti-cybercrime enforcement unit ng NBI para sa susunod na taon.

Bumaba ito sa P21.2 milyon mula sa budget ngayong taon na P26.4 milyon.

“Kritikal ito,” ani Gatchalian, “dahil maaaring maapektohan ang operasyon laban sa cybercrimes lalo sa panahong patuloy na tumataas ang insidente ng credit card fraud, identity theft, at paglaganap ng mga spam at phishing messages.”

Dagdag ng senador, “ngayonhigit na kailangan ng mas mataas na pondo para rito habang inaasahan ang nalalapit na pagpasa sa senado ng SIM registration bill.”

“Ang mga insidente ng cybercrime ay umuusbong sa maraming teritoryo kabilang ang Filipinas. Ang nais natin ay maging advanced ang NBI para labanan at matunton ang mga kawatan kaya kailangang kompleto ang gamit nila,” ani Gatchalian.

“Gagawin namin ang aming makakaya upang maibalik ang halaga na nabawas sa panukalang budget,” ayon kay Gatchalian bilang suporta sa pagsisikap ng NBI laban sa cybercrime.

Aniyia, ang napipintong pagpasa ng mandatory registration ng mga SIM card ay inaasahan din na magbibigay-daan sa NBI para epektibong maipatupad ang anti-cybercrime campaign nito.

Binigyang-diin ng senador, ang malaking pagbawas sa bilang ng mga cybercrimes sa bansa ay makatutulong sa pagpapahusay ng digital revolution sa bansa at pagpapatibay sa pagbangon ng ekonomiya.

“Kailangan nating magbigay ng nararapat na suporta sa NBI para mapigil ang mga kawatan na lalo pang nagiging sopistikado ngayon. Kung nais nating paigtingin ng ahensiya ang pagpuksa nila ng cybercrimes, ibigay natin ang lahat ng nararapat na suporta sa kanila,” pagtatapos ni Gatchalian.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …