Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Face Mask

Mandatory facemask sa senior citizens,  immunocompromised sa indoor places, labag sa Bill of Rights — KSMBPI

NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), paglabag sa Article 3 Section 1 ang ipapatupad na mandatory facemask sa indoor places, public utility vehicles (PUVs) sa senior citizens at mga immunocompromised individual dahil walang batas na nagtatakda rito.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Aragon na labag sa Bill of Rights o sa karapatang malayang makapamuhay ng isang indibidwal ang puwersahang pagpapasuot ng facemask.

Ang pahayag ni Aragon ay batay sa rekomendasyon ng  legal team ng KSMBPI na suportado ng dating Pangulo ng Philippine Medical Association (PMA) at Clean Air Philippine Movement Inc. (CAPMI) President na si  Atty. Leo Olarte at dating Senador Joey Lina.

Bagamat hindi siya tutol sa pagsusuot ng face mask bilang proteksiyon laban sa COVID-19, dapat  may  kaukulangang batas ang dalawang kapulungan ng kongreso na ipinasa at nilagdaan ng Pangulo ng bansa upang sa ganoon ay hindi malabag ang karapatan ng isang indibidwal.

Ikinatuwa ni Cebu Mayor Mike Rama ang naging desisyon ng pamahalaan na sundan ang kanilang naunang hakbangin na gawing voluntary o optional na lamang ang pagsusuot ng mask. 

Aniya, ito ang nakita nilang solusyon para maibalik ang sigla ng ekonomiya mula sa epekto nng pandemyang dulot ng COVID 19.

Kaugnay nito, pabor si  Dr. Benito Atienza, Vice President, Philippine Federation of Professional Associaton (PFPA) sa pagsusuot ng face mask laban sa COVID 19.

Bukod dito, hinikayat ni Atienza ang lahat na magpabakuna lalo ang booster upang higit na malabanan ang COVID-19 at anopamang mga variant ang maaaring dumating.

Pinaalalahanan ni Atienza ang lahat na bukod sa COVID 19 dapat din bantayan at ingatan ang pagkakaroon ng dengue na tumataas ang bilang lalo ngayong madalas ang pag-ulan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …