Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alagang Kapatid Foundation Inc TV5

Alagang Kapatid Foundation ng TV5 10 taon nang kaisa sa pagtataguyod ng kabuhayan at kinabukasan

MAS makahulugan ang darating na Pasko para sa Alagang Kapatid Foundation  Inc. (AKFI), ang CSR arm ng TV5, dahil kasabay sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng foundation ay ibabahagi nito ang 10 kuwento tungkol sa mga beneficiaries na tiyak magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa mga Filipino na kaya nilang makamtan ang magandang bukas kung sama-sama ang kanilang komunidad at magtutulungan.

Gamit ang temang ‘Kaisa ka, hanggang kaya nang mag-isa, tuloy-tuloy ang Alagang Kapatid Foundation sa adhikain nitong mabigyan ng kabuhayan ang mga disadvantaged at disaster-stricken communities hanggang magkaroon ang mga ito ng kakayahang itaguyod ang kanilang mga sarili kasama ang kanilang mga pamilya.

For our 10th Anniversary celebration, we will present 10 stories that will not only give light and hope but also share a glimpse of what we do and what we have been doing in Alagang Kapatid Foundation through the years. With the tireless support of the MVP Group of Companies and our partner sponsors, our promise to never get tired of helping our Kapatids will always remain,” pagbabahagi ng Executive Director ng Alagang Kapatid Foundation na si Menchie Silvestre.

Sa nakalipas na 10 taon, ang Alagang Kapatid Foundation ay walang patid na nagsasagawa ng mga proyekto at outreach projects para makatulong sa mga underprivileged na mga Filipino sa iba’t ibang sulok ng bansa. Ilan sa mga proyekto ng Foundation ay ang EcoNanay Bags initiative na nagturo sa mga nanay na mag-upcycle ng mga lumang damit at matutong magnegosyo sa paggawa ng ecobags, ang Blood Donation Drive na nakapag-sagip na ng libo-libong buhay, ang MVP Tulong Kapatid Homes para sa mga survivor ng Bagyong Pablo, ang AKFeed Program na naghatid ng daang libong pagkain sa buong bansa, at ang Happy Eskwela program na nakatulong sa mga estudyante at guro. Ilan lamang ito sa napakaraming initiatives ng Foundation para tulungan ang mga Filipino communities maging sa mga pinakamalayong lugar sa bansa.

“Through the years, TV5 and Alagang Kapatid Foundation have worked hand-in-hand to help and support our Kapatids in need. We are happy to be part of Alagang Kapatid’s 10th year milestone and we look forward to sharing the Foundation’s inspiring stories that perfectly reflect the true spirit of Christmas,” anang President and CEO ng Cignal TV at TV5 na si Robert P. Galang.

Tumutok sa TV5 para sa 10th anniversary specials ng AKFI at tunghayan ang mga inspiring stories ng community partners ng Foundation ngayong Kapaskuhan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa AKFI at TV5, i-like at follow ang kanilang mga social media pages o bisitahin ang www.tv5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …