Tuesday , December 24 2024
Senate Philippines

Senado iimbestigahan talamak na kidnapping, krimen sa bansa

NAKATAKDANG magsimula ang imbestigasyon ng senado ukol sa lubhang nakaaalarmang kidnapping at ilang mga krimen sa bansa.

Ito ay matapos kompirmahin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order na itinakda niya ang pagdinig sa darating na Huwebes, 15 Setyembre, upang pagpaliwanagin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ukol sa kanilang datos sa mga napaulat na mga krimen.

Mismong sina Senador JV Ejercito, at Senadora Grace Poe, at Imee Marcos ang humiling ng imbestiagsyon matapos maalaram dahil sa mga natanggap na larawan at mga video ng mga krimen.

Ayon kay Ejercito, mukhang nais subukan ng mga sindikato ang kasalukuyang adminitrasyon kung kanilang kakayaning makalusot at matagumpay na magawa ang masasamang balak.

Tiniyak ni Ejercito, kanyang ihaharap ang mga video at larawang kanyang hawak-hawak na ipinadala ng mga kaibigang negosaynate.

Ani Ejercito, sa kasalukuyan ay ramdam pa niya ang kaligtasan dahil malaya pa nga siyang nakabibiyahe mag-isa sakay ng kanyang motor at bisikleta.

Siniguro ni Dela Rosa, hindi papayagan ng pamahalaan na manumbalik ang kriminalidad sa bansa.

Tiniyak ni Dela Rosa, walang dapat ipangamba ang law enforcement agencies at mga inimbitahan sa pagdinig kung sila ay magiging transparent upang sa ganoon ay malaman ng taongbayan ang katotohanan.

Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mmukhang kulang sa kaunting ngipin at kaunting takot para sa mga kriminal.

Sa kabila nito naniniwala si Go na suportado ni Pangulong Ferdunand Marcos, Jr., ang pulisya hindi nga lang siya katulad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hayagan kung magpahayag ng utos at suporta sa pulisya laban sa kriminalidad. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …