Sunday , December 22 2024
Al-Basher Basty Buto Chess
National Master Al-Basher “Basty” Buto, Grade 7, Faith Christian School sa Cainta, Rizal.

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo kontra kay Aaron Francis De Asas sa ninth at final round para magkampeon sa katatapos na Angeles City FIDE-Rated Chess Festival (Junior) nitong Linggo, 11 Setyembre 2022 na ginanap sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga.

Matapos makipag-draw kay National Master Christian Gian Karlo Arca sa fifth round si Buto, tubong Marawi City ay namayani kontra kina Andrew James Toledo sa sixth, Woman National Master Ruelle Canino sa seventh, Allan Gabriel Hilario sa eight bago talunin si De Asas sa last round.

Ito ang kinakailangan ni Buto para makopo ang titulo na may the highest output 8.5 points para maiuwi ang top prize P10,000 plus ang championship trophy.

“I didn’t look the field, just to play my best,” sabi ng Grade 7 Student ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal. 

“I knew that this was a tough tournament with all the players. I just tried to play my best and now I am really happy,” sabi ng 12-anyos na si Buto, nasa gabay nina Sarah Balce at Ambet Balce ng Faith Christian School.

Ang kampanya ni Buto ay suportado nina Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong, Jr., Cainta, Rizal Mayor Ellen Nieto, MP Atty. Rasol Mitmug, Jr., ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at GPP Muslim Community Greenhills.

Tampok din si Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna na natalo kay Buto sa fourth round pero nakabalik sa kontensiyon matapos daigin sina Sean Adryl S. Tolentino sa fifth, Lira M. Placer sa sixth, Arca sa seventh, Arena Fide Master Gabriel Ryan Paradero sa eight, at Canino sa final round para masungkit ang solo second place na may 8.0 points tungo sa pag-uwi ng P7,000 plus trophy.

Tumapos si Allan Gabriel Hillario ng third na may 7.0 points para tangapin ang  P5,000 plus trophy.

Nagkasya si Arca sa fourth na may 6.5 points para sa P3,000 habang si Canino ay nalagay sa fifth na may 6.0 ponts para sa P2,000.

Punong abala si Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., sa pakikipagtulungan ni Angeles City Sports Officer Maeve Mendiola.

Nitong Sabado, inangkin ni International Master Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite ang korona sa Open section na may 8.0 points sa nine outings tungo sa pagkopo ng top prize P20,000 plus trophy. (MB)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …