Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Muslim Cemetery

Libingan alinsunod sa kulturang Muslim isinusulong sa Senado

MATITIYAK ang paglibing ng mga yumaong Muslim at katutubo na nararapat sa kanilang pananampalataya at kultura sa oras na maging batas ang panukalang inihain ni Sen. Robinhood Padilla.

Sa Senate Bill 1273, sinabi ni Padilla, nahihirapan ang ilang grupo tulad ng mga Muslim na ilibing ang kanilang yumaong mahal sa buhay dahil kulang ang public cemetery na naaayon sa kanilang kultura at tradisyon.

Dahil dito, kailangan nilang dalhin ang mga labi sa Mindanao — na magastos at mahirap para sa mga pamilya.

“The proposed measure seeks to recognize the proper burial of Muslim Filipinos, Indigenous Peoples, and other denominations, providing for appropriate burial grounds in public cemeteries, and for other purposes, in order to preserve the sanctity of their belief and culture honoring their dead,” ani Padilla, isang mananampalatayang Muslim, sa kanyang panukalang batas.

Dagdag ng mambabatas, tiniyak ng ating Saligang Batas ang karapatan ng lahat para ihayag ang kanilang paniniwala at pananampalataya na walang diskriminasyon.

Sa kaso ng mga Filipino Muslims, ipinunto ni Padilla, may mga sinusunod na patakaran kasama ang agarang paglibing ng labi, walang cremation, awtopsiya o pagkabalam ng paglilibing.

“All of these burial ceremonies are traditionally valid in expressing our identities as Filipinos such that the existence of several Filipino burial ceremonies across the country amplifies the richness of our culture,” dagdag ng Muslim na senador.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring ilibing ang yumao ayon sa tradisyon at paniniwala sa mga public cemeteries. Ang mga public cemeteries ang tutukoy ng laki ng burial ground para sa Muslim, indigenous peoples (IPs) at ibang denomination.

Kung kulang sa sukat ang burial ground, maaaring bumili ang local government unit ng lupa para rito. Kung kulang sa pondo ang LGU para rito, maaaring pondohan ito ng kahit sinong mamamayan o kompanya na galing sa Muslim Filipinos, IPs, or ibang denomination.

Maaaring magkonsultasyon ang donor at LGU ng laki ng lupa para sa burial ground. Ang LGU naman ay tutulong sa pagkuha ng lisensiya, permit, at ibang requirements.

Lilikhain ang isang Public Cemetery Board sa highly urbanized cities, independent component cities at probinsiya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …