Monday , December 23 2024

Energy subsidy program para sa PUVs, pasahero vs oil price at fare hikes

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magpatupad ng energy subsidy program na magbibigay ng safety net para sa sektor ng pampublikong transportasyon mula sa pagtaas ng presyo ng langis na kalaunan ay pipigil din sa posibleng pagtaas ng pasahe.

Ayon kay Gatchalian, kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan nitong mga nakaraang buwan, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na asahan ang panibagong pagtaas ng pasahe sa loob ng buwang kasalukuyan batay sa petisyon ng mga grupo ng jeepney drivers.

Nakabinbin din sa LTFRB ang kahalintulad na fare hike petition na inihain ng mga operator ng bus, UV Express, at Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Sa ilalim ng Senate Bill No. 384, ang panukalang energy subsidy program ay naglalayong gawing institutionalized ang programang “Pantawid Pasada” ng gobyerno na nagbibigay ng fuel subsidies sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Hindi natin dapat pahintulutan ang mataas na presyo ng langis na lalo pang makaaapekto sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Matagal nang nahihirapan ang ating mga mamamayan dahil sa pandemya. Umaasa tayo na ang energy subsidy program ay magbibigay ng sapat na proteksiyon para sa sektor ng transportasyon at sa mga pasahero,” ani Gatchalian.

Dahil sa nagpapatuloy ang gera sa Ukraine at Russia, sinabi ni Gatchalian, kailangan magtatag ng isang mekanismo na poprotekta sa mga tsuper at operator ng pampasaherong sasakyan mula sa mga paggalaw ng presyo.

Ayon sa naturang panukalang batas, ang subsidiya ay ipagkakaloob sa mga kalipikadong benepisaryo kapag ang average na presyo ng Dubai crude sa tatlong magkakasunod na buwan ay katumbas o higit sa $80 kada bariles.

Mula nang uminit ang sigalot ng Russia at Ukraine, ang Dubai crude ay umabot sa $120 kada bariles noong Marso at tumama sa $96.51 kada bariles nitong 31 Agosto 2022.

Ipinapanukala ni Gatchalian ang pamimigay ng subsidiya ay sa pamamagitan ng digital payment system at magpapataw ng parusa laban sa mga  opisyal ng gobyerno na hindi makatitiyak ng napapanahong pagpapalabas ng naturang energy subsidy sa lahat ng mga kalipikadong benepisaryo.

               “Ang pagtaas ng presyo ng langis ay palaging may masamang epekto sa ating ekonomiya. Sa sektor ng pampublikong sasakyan, ang anomang pagtaas ng langis ay kumakain sa pang-araw-araw na kita ng ating mga tsuper. Kung hindi tayo gagawa ng programa na magpoprotekta sa kanila mula sa pabago-bagong mataas na presyo, ang kabuhayan ng PUV drivers ay patuloy na manganganib,” pagtatapos ni Gatchalian.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …