Friday , November 15 2024
deped Digital education online learning

Pagdinig sa overpriced laptop tatagal pa —Tolentino

AMINADO si Senador Francis “To” Tolentino, Chairman ng Blue Ribbon Committee, tatagal pa ang pagdinig ng senado ukol sa kontrobersiyal na pagbili ng laptop ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ayon kay Tolentino, hindi pa maliwanag kung sino o sino-sino ang mayroong pananagutan sa naturang isyu at kung talagang nagkaroon ng overpriced.

Sa ngayon, sinabi ni Tolentino, unang bahagi at pre-bidding pa lamang ang natatapos nila ngunit mayroon pang dalawang bahagi ng bidding, awarding, at delivery of goods or products.

Dahil dito, ipinasusumite ni Tolentino ang listahan ng lahat ng mga gurong tumanggap ng laptop upang matukoy kung tama ba ang specification na kanilang natanggap batay sa naganap na bidding process.

Tumanggi si Tolentino na magbigay ang kahit anong konklusyon sa usapin ng overpriced at maging sa ghost delivery dahil hindi pa tapos ang pagdinig.

Tiniyak ni Tolentino, mayroong katapusan ang pagdinig ngunit hindi niya matiyak kung kailan.

Sa susunod na Huwebes, nakatakda ang pangalawang pagdinig ng senado ukol sa isyu.

Samantala, hindi maaaring desisyonan ni Tolentino ang hindi pagdalo ni dating PS-DBM Head Lloyd Lao dahil mayroong mga hawak na dokumento ang mga senador na mayroon siyang lagda at kinalaman sa naturang transaksiyon.

Bukod dito, hindi makapagpalabas ang komite ng desisyon sa request ni Lao na bigyan siya ng isang sertipikasyon na naglalaman na wala siyang kinahaharap na kaso, contempt, at arrest warrant mula sa Senado.

Aminado si Tolentino, may mga senador na nagbigay ng kanilang opinyon ngunit hindi niya ito isasapubliko dahil kailangan niyang magpulong muna ang buong komite bago maglabas ng opinyon o pananaw. (NIÑO ACLAN) 

About Niño Aclan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …