MANILA — Umasa kay National Master (NM) lawyer Bob Jones Liwagon ang AE BOB chess team para talunin ang Philippine Army N Heroes For Hire chess team at tanghaling kampeon sa Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival Chess Team Tournament kahapon, Linggo, 4 Setyembre 2022 na ginanap sa Robinsons Place sa General Santos City.
Si Liwagon, may rangong Captain sa Office of the Army Judge Advocate at nasa kandili ni Col. Liberato O. Ramos (GSC) JAGS ay giniba si International Master Daniel Quizon sa Board One para iselyo ang 3-0 tagumpay sa seventh at final round encounter para tangapin ng AE BOB chess team ang korona at P200,000 champion’s purse sa event na sinuportahan ng Extreme Gaming, Luminuex Glutathione Capsule, at ni businessman Changsuk Lyu na inorganisa ni United States chess master Rodolfo “Jun” Panopio Jr.
“I knew that this was a tough tournament with all the players. I just tried to play my best and now I am really happy,” sabi ni Liwagon na dating top board player ng University of Sto. Tomas (UST) chess team at Bachelor of Science (BS) Commerce Major in Business Administration graduate student, na ang biggest award ay nang magkampeon sa Philippine Age Group Chess championships tungo sa coveted National Master title noong 2021.
Pinayuko ni Samson Lim, Jr., si Vince Angelo Medina sa Board Two habang angat si Vince Duane Pascual kay Wenlan Temple sa Board Three tungo sa shut-out victory.
Bida rin ang LGU Iligan na nakaungos sa GM Balinas, 2-1, at nanalo si Engr. Cecil Cuevas kay multi-awarded painter Drigo Teves sa Board Two.
Tabla sina International Master Ronald Bancod at Julius Dan Augustine Ablin kontra kina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., at Michael Jan Stephen Rosalem Inigo sa Board One at Board Three para makahabol ang LGU Iligan sa eventual champion AE BOB chess team sa ituktok na may kapwa naitalang 12 match points.
Naibulsa ng LGU Iligan ang runner-up prize P100,000 despite kahit natalo sa AE BOB chess team sa tie break points.
Ang Tiktokerz chess team na nirendahan nina Fide Master Narquingden Reyes, Chester Neil Reyes, at Rhenz Rheann Auza ang nag-third habang ang LGU-Bukidnon-Nemesis 2 chess team na binubuo nina Jeriel Manlimbana, Randolph Christopher Dalauta, at Bryan Jose ay tumapos ng overall 4th place tungo sa pagsubi sa tig P50,000 at P25,000, ayon sa pagkakasunod. Ang Tiktokerz at Nemesis 2 ay kapwa nakaipon ng tig-11 match points.
Magkasalo ang University of Sto. Tomas, Ligon All Stars, GM Balinas Team, at Negros Team B sa fifth hanggang eight places na may tig-10 match points each.
Nagkompleto sa top 10 na may tig- match points ang ninth MP Team at tenth Philippine Army N Heroes For Hire chess team.
Ang Chief Arbiter ay si Fide Arbiter Felix Poloyapoy na ang assistant ay sina National Arbiters Jojo Palero at Elias Banguiran sa NCFP sanctioned tournament, FIDE rated standard time control format, 1 hr + 3 secs delay na ang punong abala ay si NCFP Vice President Sen. Manny Pacquiao. (MARLON BERNARDINO)