Monday , May 12 2025
PS-DBM, Procurement Service - Department of Budget and Management

Breeding ground ng korupsiyon
PAGBUWAG SA PS-DBM PINABORAN

SINUSUPORTAHAN ni Senadora Pia Hontiveros ang panawagan na buwagin ang Procurement Service ng Department of Budget Management (PS-DBM) dahil ito ay breeding ground ng korupsiyon.

Tahasang ipinahayag ito ni Senadora Risa Hontiveros sa isang panayam sa radyo kamakalawa.

Ayon kay Hontiveros, maituturing niyang naging kasangkapan ang Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) upang malustay ang pera ng taongbayan.

Kabilang sa ibinunyag ni Hontiveros ang ‘nakaparadang’ P6.5 bilyon sa PS-DBM na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na hindi nagamit at ang iba ay nai-advance na.

Tinukoy ni Hontiveros, kabilang sa ahensiya ng pamahalaan na may nakaparadang pondo sa P6.5 bilyon ang Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Fire and Protection (BFP), Bureau of Immigration (BOI), at Philippine National Police (PNP).

Nanghihinayang si Hontiveros, imbes napakinabangan ng mga ahensiya para sa kanilang mga tauhan at mamamayan ay nabalewala dahil ‘nakaparada’ lang sa PS-DBM.

Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang P1.6 milyong pondo ng PNP na noon pang 2020-2021 nakaparada sa PS-DBM imbes ipinambili ng mga kagamitan para makapagbigay ng higit na serbisyo ang pulisya sa mga mamamayan.

Ipinunto ng Senadora, mahigit isang dosenang ahensiya ng pamahalaan na mayroong bilyong pisong inilagak sa PS-DBM ang nakaparada at nasayang lamang.

Itinuturing ni Hontiveros, ito ay pagsasamantala ng PS-DBM.

Aniya, bukod sa mga natukalasang kontrobersiyal na P42 bilyong pondo ng Department of Health (DOH) para ipambili ng personal protective equipment (PPE) noong kasagsagan ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Nangangamba si Hontiveros na mukhang marami pang ahensiya o departmento ng pamahalaan ang naglagak ng pondo sa PS-DBM gayong ang trabaho nila ay taliwas sa ginagawang transaksiyon.

Sa kabila ng pakiusap ng bagong pinuno ng DBM na bigyan ng pagkakatong repasohin at ayusin ang PS-DBM ay sinusuportahan ni Hontiveros ang mga panukalang pagbuwag dito. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …