Wednesday , February 19 2025
NEA BENECO

NEA ‘nagisa’ sa isyu ng BENECO

‘GINISA’ ni Senator Raffy Tulfo ang mga opisyal ng National Electrification Administration (NEA) nang mabatid na pinanghimasukan ang pamamahala sa Benguet Electric Cooperative (BENECO).

Sinabi ng bagong Senador, rerebyuhin niya ang NEA Memorandum No. 2017-035, na ginagamit ng NEA para depensahan ang sinabing maanomalyang pagtatalaga kay Maria Paz Rafael bilang General Manager (GM) ng BENECO.

“As far as I’m concerned, walang problema ang BENECO – mababa ang kanilang singil, maganda ang performance at walang brownouts sa areas na sakop nila. Ngayon, bakit pinalitan ng NEA ang general manager elected by their board of directors? ‘Yan ang tanong ng consumers ng BENECO. ‘Ika nga sa kasabihan, if it ain’t broke, don’t fix it,” ani Tulfo.

“Yung memorandum order, I have to look into that, I will change that. It has to be changed,” dagdag niya.

Matatandaang inihalal ng board of directors ng BENECO si Melchor Licoben bilang GM matapos magretiro ang yumaong si Gerardo P. Versoza noong Abril 2020.

Gayonman, itinalaga ng NEA, na nangangasiwa sa mga electric cooperatives, si Rafael bilang GM ng kooperatiba.

Paulit-ulit na binanggit ni NEA Deputy Administrator for Legal Services Atty. Rossan Rosero-Lee ang Memorandum No. 2017-035 para depensahan ang pagtatalaga kay Rafael.

Nakapaloob sa nasabing memorandum ang mga proseso sa pagpili ng GMs ng mga kooperatiba.

Sinabi ni Tulfo, nababahala siya dahil napakadali para sa NEA na tanggalin at palitan ang isang GM na inihalal ng board of directors ng isang kooperatiba.

“Dito tayo nagkakaproblema dahil kahit pala nakapili na ang board of directors ng kanilang general manager, puwede palang randomly palitan ng NEA. In a way, tinatanggalan ng halaga ang selection process ng isang kooperatiba,” ani Tulfo.

Imbes makialam sa mga kooperatiba na may magandang performance, tulad ng BENECO, sinabi ni Tulfo na dapat pagtuunan ng pansin ng NEA na tulungan ang mga kooperatibang may kinakaharap na mga problema.

“Makialam po kayo kapag may problema o ailing ang isang kooperatiba and see how you can fix the problem, pero kung walang problema and the operation is good, huwag ninyong pakialaman,” ani Tulfo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

P370-M high-end luxury cars nasamsam ng CIIS-MICP sa Makati

P370-M high-end luxury cars nasamsam ng CIIS-MICP sa Makati

NASAMSAM ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service nito …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares Grace Poe Coco Martin

Motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist dinumog sa Pangasinan

HALOS dumugin ng mga Pangasinense ang isinagawang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa …

Vilma Santos Luis Manzano Ryan Christian Recto Jessy Mendiola

Vilma matapang na sinagot isyu ng political dynasty — We are here to serve!

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “We are here to serve!” ito ang iginiit ni Vilma Santos, …

Turismo Partylist Ara Mina Dave Almarinez Daiana Meneses Ryza Cenon

Turismo Partylist at Ara Mina dinagsa ng mga Rizaleno 

HUMIGIT-KUMULANG sa 70,000- 100,000 katao ang sumalabong sa ginanap na Turismo Partylist Motorcade campaign sa bayan ng …

ARTE Partylist Lloyd Lee Shamcey Supsup

Opening Salvo ng kampanya ng ARTE Partylist dinumog sa San Ildelfonso, Bulacan

KASABAY ng Araw ng mga Puso, isinagawa ng ARTE partylist, numero 14 sa balota, ang …