Friday , November 22 2024
Philippines Sugar Millers Association Inc PSMAI

Sunod-sunod na inspeksiyon inangalan ng importers

INALMAHAN ng Philippines Sugar Millers Association, Inc., ang isinagawang sunod-sunod na pag-iinspeksiyon sa mga bodega ng asukal kasabay ng pag-amin na sila ang nagrekomenda sa pamahalaan ng pag-aangkat ng 300,000 metric tones na asukal.

Ayon kay Pablo Lobregat, Pangulo ng Samahan, kinonsulta sila ng stakeholders ng pamahalaan at halos pare-pareho ang kanilang naging rekomendasyon na mag-angkat ng asukal. Ang dapat angkatin ay hindi nalalayo sa naturang figure.

Inamin ni Lobregat, sila mismo ang nagrekomenda sa pamahalaan kung ilan ang dapat na iangkat ayon sa pangangangilangan ng industriya.

Sinabi ni Lobregat, ito ang batid nilang pangangailangan ng bansang iangkat upang matiyak na mayroong sapat na suplay at hindi tumaas ang presyo ng asukal sa bansa.

Nabunyag din sa pagdinig na mahigit isang milyong sako ng mga imported at lokal na asukal ang nakaimbak sa mga bodega bunga ng ginawang sunod-sunod na pag-iinspeksiyon ng Bureau of Customs (BoC).

Isa rito, tinukoy ni Senador Raffy Tulfo ang hinarang na kargamento sa Subic Port na sinasabing walang sapat na papeles ngunit sa huli ay nabatid na kompleto at malinis ang papeles nito.

Anang senador, abala sa parte ng mga may-ari ng barko, trabahante, at ang mismong kompanyang dapat pagdalhan nito.

Hindi rin pinalampas ng senado ang reklamo ng sugar millers sa sunod-sunod na inspeksiyon kung kaya’t pinagpapaliwanag nila ang BoC.

Kasunod nito, hiniling ng senado sa BoC, magsumite ng listahan ng mga bodegang kanilang ininspeksiyon kung ano ang resulta at status, ganoon din ang mga nasampahan ng kaso kung mayroon man at ano na ang status ng mga kaso nito, at ilan na ba ang nasentensiyahan o natapos na.

Ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Ruiz binibinigayn nila ng 15 araw ang isang bodega na magpaliwanag at maglabas ng mga dokumento na magpapatunay na legal o lehitimo ang mga asukal na nasa kanilang bodega.

Sinabi ni Ruiz, ang kanilang inspeksiyon ay kasama nila ang kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at maging mula sa kinatawan ng Sugar Regulatory Authority (SRA), pinanggalingan ng kanilang impormasyon sa gagawing inspeksiyon.

Muling nabunyag ang pagdinig sa batid ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aangkat ng asukal lalo na’t sinabi ni dating Department of Agriculture (DA) undersecretary Leocadio Sebastian.

Sinabi ni Sebastian, sa kanilang pulong kasama ang Pangulong Marcos ay inutusan silang gumawa ng importation plan ukol sa asukal.

Bukod dito, nabatid din kay Sebastian, sa kabila na nagsumite na siya ng kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay hindi pa ito tinatanggap ng Pangulo bagkus ang kanyang status sa kasalukuyan ay preventive suspension pa lamang.

Nagsumite ng pagbibitiw si Sebastian matapos maging maugong ang kanyang pagpirma sa Sugar Order No.4 sa ngalan ng Pangulong Marcos ukol sa pag-aangkat ng asukal.

Kaugnay nito hiniling nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senador Risa Hontiveros sa komite na muling ipatawag si Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez.

Ayon kina Pimentel at Hontiveros, mayroon pa silang mga tanong at nais na liwanagin mula kay Rodriguez ukol sa isyu.

Sinabi ni Pimentel, bilang abogado ay mayroon siyang napunang inconsistency sa naging pahayag ni Rodriguez at sa kanyang pagharap sa unang pagdinig ng komite.

Tiniyak ni Senador Francis “Tol” Tolentino, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, muling iimbitahan si Rodriguez sa pagdinig.

Hindi nakadalo si Rodriguez sa kabila ng imbitasyon ng senado dahil nasabay sa cabinet meeting.

Sa susunod na linggo ay muling magpapatuloy ang pagdinig ng komite. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …