Thursday , April 10 2025
Richie Jocson Robert Neil Mataac Eugene Torre Chess
MAKIKITA sa larawan si Richie Jocson kontra kay Robert Neil Mataac sa final round ng 2nd Marinduque Chess Tournament, habang nakamasid si World Chess Hall of Famer GM Eugene Torre (gitna), Boac Knight Chess Club, Inc., President Engr. Lauro Bautista, at NCFP’s Assistant Executive Director for South Luzon AGM Dr. Fred Paez. (MARLON BERNARDINO)

Jocson, Lorenzo magkasalo sa unahang puwesto sa 2nd Marinduque Rapid Chess Tournament

MANILA — Nakisalo sa unahang puwesto si Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo kay eventual champion Richie Jocson sa katatapos na 2nd  Marinduque Rapid Chess Tournament na ginanap sa Provincial Capitol Convention Center sa Boac, Marinduque nitong Sabado, 20 Agosto.

Giniba ni Jocson si Robert Neil Mataac sa final round para tumapos ng perfect 5.0 points sa five outings, kagaya ng iskor na naitala ni Lorenzo.

Tinalo ni Lorenzo si Engr. Joseph Ricafrente para makahabol kay Jocson.

Matapos ipatupad ang tie-break points ay nakamit ni Jocson ang titulo kasama ang top purse P5,000 habang nagkasya si Lorenzo sa second place para sa P3,000.

Kabilang sa mga pinayuko ni Jocson sina John Robin Mendoza sa first round, Mark Vincent Manalo sa second round, Sergio Mataac sa third round, CK Molinyawe sa fourth round bago si Robert Neil Mataac sa fifth round.

Nakaungos si Marvin Luna kontra kay  Rommel Revilla para tumapos ng third place na may 4.5 points para sa P2,000. Mga nakapasok sa top 5 na may tig 4.0 points ay sina CK Molinyawe at Richard Pelaez para makapag-uwi ng tig P1,000 at P700, ayon sa pagkakasunod.

May special prizes para sa category winners na tumanggap ng tig P700 para sa top lady na si Maricar Andrin, top senior na si Florencio Pastoral at top junior na si Jamill Monreal.

Samantala, nagrehistro si Jairus Tarrega ng perfect 5.0 points para makopo ang Kiddie Divsion title. 

Magkasalo sina Lenette Sharmaine Oh, John Meneses Jayag, Johann Liam Eclipse, at Zeake Adriel Tarrega sa second hanggang fifth placers na may tig 4.0 points.

Ang mga nanalo sa category winners ay sina Jhenica Requillas (Top lady), Aldrich Diel Rendon (Top Under 12) at Ly Andrei Mataac (Top Under 10). (MB)

About Marlon Bernardino

Check Also

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …