Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CHECKMATE ni Marlon Bernardino

FM Alekhine sa GM title

CHECKMATE

ni NM Marlon Bernardino

ITO na ang matagal na hinihintay ng sambayanang Filipino ang magkaroon ng pinakabagong grandmaster ang Filipinas. Si US based Enrico “Ikong” Sevillano ang pinakahuling Pinoy Grandmaster noong 2012.

Ang 16-anyos na si Alekhine Fabiosa Nouri na kasalukuyang naninirahan sa City of San Jose Del Monte, Bulacan at sa Quezon City ay nakatutok sa pagkopo sa pinakamimithing grandmaster title sa kanilang European chess campaign ng kanyang guardian/coach National Master at United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr.

Tubong Iloilo at Negros, may palayaw na BBking sa chess community, ay unang masisilayan sa World Juniors Under 20 Chess Championships na gaganapin sa Sardinia, Italy sa 11-23 Oktubre 2022.

Matapos ang Italy meet, si FM Alekhine kasama ang kanyang guardian coach na si NM Marlon ay parehong lalaro sa 33rd Leuven Open sa Leuven, Belgium sa 10-13 Nobyembre 2022 na susundan ng Grand Memorial Rene Vannerom sa 2-3 Disyembre 2022 sa Brussels, Belgium.

Ang IX Sunway Sitges International Chess Festival sa Sitges, Barcelona, Spain sa 11-22 Disyembre 2022 at ang Basel Christmas Chess Festival sa 26 -30 Disyembre 2022 sa Basel,Switzerland.

Nakamit ni Alekhine ang titulong World Youngest Fide Master sa edad 7-anyos matapos magkampeon sa 14th ASEAN Age Group Chess Championships 2013 sa Chiangmai, Thailand tungo sa outright FM title. Siya ang kasalukuyang Philippine Junior Champion na anak nina International Master Hamed G. Nouri, tubong Duenas, Iloilo at Rhoda F. Nouri, tubong Escalante City, Negros Occidental.

Nagpapasalamat si guardian coach NM Marlon kay NCFP Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay, Jr., NCFP CEO GM Jayson Gonzales, NCFP Vice President Sen. Manny Pacquiao, NCFP official Rep. Neri Javier Colmenares, POC President Tagaytay City mayor Abraham “Bambol” Tolentino, PSC Commissioner/OIC Olivia “Bong” Coo, NCFP Executive Director Atty. Guillermo B. Iroy, Jr., at Negros Occidntal Gov. Eugenio Jose “Bong” Villareal Lacson na full support sa kampanya nina FM Alekhine at ng kanyang guardian coach NM Marlon.

Ang pangalan na Alekhine ay hango sa Russian chess player na si Alexander Alekhine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …