Sunday , December 22 2024
CHECKMATE ni Marlon Bernardino

GM Balinas

CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino

LONG OVERDUE o panahon na para igawad ang parangal na Hall of Famer kay the late Grandmaster Atty. Rosendo Carreon Balinas, Jr.

Ipinanganak noong 10 Setyembre 1941 at sumakabilang buhay noong 24 Setyembre 1998, si Balinas ay pangalawang Grandmaster ng Filipinas.

Nagawaran siya ng FIDE (World Chess Federation) ng International Master title noong 1975 habang nakopo niya ang International Grandmaster title noong 1976 matapos magkampeon sa Odessa International.

Magaling na abogado rin si Balinas na award winning chess writer at journalist, tubong Iloilo at Negros at nakabase noon sa Antipolo City.

Naniniwala ako sa bagong liderato ng Philippine Sports Commission sa gabay ni Bowling Icon PSC Commissioner Olivia “Bong” Coo at PSC Executive Director Atty. Guillermo B. Iroy, Jr., na mapag-aaralan ang mga achievement ni Grandmaster Atty. Rosendo Carreon Balinas, Jr., para magawaran ng Hall of Famer o pagkilala sa mga outstanding athlete na nagbigay ng kontribusyon at karangalan sa bansa.

Si Balinas ay ikinokonsiderang pinakamalakas na manlalaro sa Asya noon, mula 1960 hanggang 1970 bago mamayagpag ang kapwa Pinoy na si Eugenio Torre na naging unang grandmaster sa Asya at ng Filipinas noong 1974 sa Nice, France Chess Olympiad.

Kabilang sa mga bansa na nagkampeon si Balinas sa international chess tournaments ay sa Hong Kong, Singapore, Maynila, at sa makasaysayang Odessa, USSR.

Noong 1966 sa 17th Chess Olympiad sa Havana, Cuba ay nakalikom si Balinas ng 15.5 points out of 20 games para makopo ang individual silver medal award sa likod ni gold medalist at dating world champion Mikhail Tal na nakaipon ng 11 points out of 13 games.

Sa 1967 Meralco “Beat Bobby Fischer” match series sa Manila sa top 10 Filipino players ay bukod tanging si Balinas na Philippine national master ang naka tabla sa future world champion na si American Robert James “Bobby: Fischer.

Bilang paggunita sa ika-81 kaarawan ni GM/Atty. Balinas, ang kanyang kapatid na sina Dr. Jose “Joe” Carreon Balinas at Engr. Antonio “Tony” Balinas, parehong co-founding chairman ng Bayanihan Chess Club ay magsisilbing punong abala kaagapay ang GM Balinas family sa pag-oorganisa ng 14 years old and below kiddies chess tournament sa 10 Setyembre 2022 na gaganapin sa second floor Open Kitchen, Rockwell Business Center, Sheridan Street, Mandaluyong City sa pakikipagtulungan nina Mam China Aurelio at Mam Mimi Casas.

P500 ang registration fee at ipapadala sa GCash number 09390856235 dahil no-onsite registration ayon kay Bayanihan Chess Club founding president NM Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr.

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …