Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Car Crime Dead

Sa Rodriguez, Rizal
2 BABAE, 2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA KOTSE

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad ang pamamaslang sa apat kataong natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang kotse sa Sitio Balagbag, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Lunes ng umaga, 22 Agosto.

Ayon sa ulat, dakong 5:00 am nang makita ng ilang mga residente ang kotse, may plakang NGU-1923 sa lugar at may mga duguang katawan ng tao sa loob nito.

Ayon kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriquez MPS, iniimbestigahan kung baril o matalas na bagay ang ginamit sa brutal na pagpatay at upang matukoy ang pagkakaklinlan ng mga biktima.

Sa pagitan ng 8:00-9:00 am kahapon nang makatanggap ng tawag ang Rodriguez PNP na may isang kotseng may sakay na apat na bangkay sa Sitio Balagbag, Brgy. San Isidro, sa nabanggit na bayan.

Kasabay nito, nagsasagawa na ang Rizal Forensic Group ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pangalan ng mga biktima at maaresto ang mga suspek sa likod ng pamamaslang. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …