Wednesday , April 9 2025
Michael Jan Stephen Rosalem Inigo Chess

Inigo mapapalaban sa MP Chess Meet

SASABAK nang husto si Michael Jan Stephen Rosalem Inigo sa pagtulak ng Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival Chess Team Tournament sa 2-4 Setyembre 2022 na gaganapin sa Robinsons Place sa General Santos City.

Makakasama ni Inigo, tubong Bayawan City at nakabase sa Dumaguete City, Negros Oriental para sa koponan ng Balinas chess squad ay sina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., at Drigo Teves.

“Gagawin po namin ang best,” sambit ni Inigo na ang kampanya ay suportado nina Bayanihan Chess Club co-founding chairman Dr. Jose “Joe” Carreon Balinas, Engr. Antonio “Tony” Carreon Balinas, at ng GM Balinas Family.

Ang magkakampeon na koponan ay tatanggap ng P200,000 plus trophy at medals sa event na ang punong abala ay si National Chess Federation of the Philippines Vice President Sen. Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan ng Extreme Gaming at Luminuex Glutathione Capsule.

Maisusubi ng second placer ang P100,000 plus trophy at medals, maibubulsa ng third ang P50,000 plus trophy at medals, matatangap ng fourth ang P25,000 plus trophy, at ang fifth ay makapag-uuwi ng P15,000 plus trophy.

Habang ang Sixth hanggang 10th placers ay makatatangap ng tig-P10,000, P9,000 P8,000, P7,000 at P6,000, ayon sa pagkakasunod habang ang 11th  hangang 20th  placers ay naghihintay ang tig-P5,000.

May Special category prizes worth P10,000 plus trophy at medals para sa top College Team, top Company Team, top Gensan City chess team, at top LGU team.

May Individual prizes para sa top junior 20 and below, top senior 20 and above, board 1, 2 at 3, will na gold P3,000 , silver P2,000 at bronze P1,000 .

Ang registration fee ay P5,000. Sa pagpapatala ay magbayad kina IM Hamed Nouri at USM Rodolfo Panopio.

Nagpapasalamat ang isa sa mga nag-organisa sa pagpasok ng sponsor.

“We are humbled by this unexpected sponsorship from Extreme Gaming and Luminuex Glutathione Capsule. This partnership ensures that the Sen. Manny Pacquiao Tuna Festival meet dubbed as Tatluhan Chess Team Tournament to grow and be a resounding success for the Filipino chess community,” ani United States chess master Rodolfo “Jun” Panopio, Jr.

Ipapatupad ang seven round Swiss system format.

“Each team composed of three players must only have an average rating of 2060,” dagdag ni Panopio.

“Chess enthusiasts and Robinsons mall-goers have this opportunity to watch the game of professional woodpushers live in action, see multi-awarded players, and get to know the next generation of athletes who are making a name in the world of chess,” huling pananalita ni Panopio. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Laela Mateo

Laela Mateo handang sumabak sa PH junior team

ANG open basketball program ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ay isang mabisang programa para …