CHECKMATE
ni NM Marlon Bernardino
SA LARONG CHESS, ang salitang matyas ang ibig sabihin ay checkmate. Habang ang kamatyas ay pinatutungkulan ang mga ka-chessmate. Ang number 1 chess blogger ng Filipinas na si International Master Roderick Nava ay ika-apat na edition na inoorganisa ang Kamatyas Fide Rated Invitational Tournament na laging punong abala ang SM Sucat Building B sa Parañaque City. Si Mr. David Almirol, Jr., founder at CEO ng software engineering solutions provider Multisys Technologies Corp., ang nag-sponsor ng mga Kamatyas free registration at free food event.
Si International Master Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite ang nagtatangka na makopo ang ika-4 na titulo sa nasabing FIDE rated rapdi event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.
Habang paborito rin sa nasabing chessfest ay sina 13th time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr., at Grandmaster Darwin Laylo habang isang magandang practice ito kay country’s official representative World Youngest Fide Master Alekhine “BBking” Fabiosa Nouri na kakatawanin ang bansa sa World Juniors Under 20 Chess Championships sa Sardinia, Italy sa 11-23 Oktubre 2022 at sa Leuven Open sa 11-13 Nobyembre 2022 sa Leuven, Belgium, ang inyong lingkod ang naatasang maging guardian coach ni FM Nouri.
Nananawagan ang inyong lingkod na sama-sama natin ipagdasal ang tagumpay ng Kamatyas chess event at ang nalalapit na European chess campaign namin ni FM Nouri.
Maraming maraming salamat kina National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay, Jr., NCFP CEO GM Jayson O. Gonzales, NCFP Vice President Sen. Manny Pacquiao, at NCFP official Rep. Neri Javier Colmenares sa pagsuporta sa amin ni FM Nouri.