Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Lolong

Serye ni Ruru ‘di natinag ng katapat

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

HINDI nagpatinag ang Lolong at mas lalo itong sinubaybayan ng netizens. Lalo pang gumaganda ang kuwento ng Lolong kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi. Nitong Lunes,   talaga namang humataw sa ratings ang seryeng pinagbibidahan ni Ruru Madrid kahit na may bago pa itong katapat. 

Umabot sa 17.3 percent ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM. Malayo ito sa  10.5 percent combined people rating na nakuha naman ng katapat nitong programa. At marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan gabi-gabi sa Lolong lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson.

Ang maganda kay Ruru ay hindi mo nakitaan ng kayabangan kahit umaalagwa ang serye ng bonggang-bongga. Basta sobra ang pasasalamat niya sa Mahal na Ama na nasa itaas at ginagabayan siya. 

May mga bagong karakter na ipakikilala sa Lolong sa bagong yugto nito: sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, at Lucho Ayala.   

Ano-ano kaya ang gagampanan nila sa buhay ni Lolong? Siyempre pa, mas marami ring dapat abangan sa karakter nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Paul Salas.

Ngayon ngang balik-Pinas na si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso Mall Show. 

Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes na sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

Speaking of Kadayawan Festival sa Davao, naroon din sina Alden Richards at Jeric Gonzales para makisaya sa mga Davaoenos at i-promote ang Start Up PH:

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …