TAHASANG sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire na ligtas at nakauwi sa kanyang pamilya ang naitalang unang kasong monkeypox sa bansa.
Ayon kay Vergeire sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mismong ang mga doktor na ang tumingin dito ang nagrekomenda na ligtas na siya sa naturang virus.
Nagpapasalamat si Vergeire dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang bagong biktima ng monkeypox.
At bilang tugon para tiyak na hindi ito kumalat ay mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng Bureau of Quarantine sa mga boarder sa ating bansa.
“To responds to the Monkeypox threat, the DOH has convened an inter-agency committee on zoonotic diseases with the Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) and the Department of Agriculture (DA) as co-convenors,” ani Vergeire.
Inamin ni Vergeire, kasalukuyan nakikipagnegosasyon ang DOH sa Food and Drugs Administration (FDA) upang makakuha ng sapat na gamot at bakuna para tugunan ang naturang virus.
Ayon kay Go, dapat higit na palakasin ng ating pamahalaan ang programa sa bakuna bilang isa sa pangunahing panlaban dulot ng CoVid-19.
Naniniwala ang senador, kailangan maglaan ng sapat na pondo ang pamahalaan para sa health sector.
Hindi na dapat pang makaranas ng paghihirap sa sektor ng kalusugan ang ating bansa lalo na’t naranasan na nating epekto nito noong nanalasa ang CoVid-19 na hanggang sa kasalukuyan ay ramdam nating lahat. (NIÑO ACLAN)